Kabanata 31

2.6K 64 0
                                    

"Kaano-ano mo si Mr. Terry Heel. At si  Mrs. Maricar Heel"mariing tanong nito. Habang nakatitig sa akin. Na ikinakunot nang aking noo. At bilang pag tahimik. Paano nalaman nito ang pangalan ng mga magulang ko. Napapitlag ako ng biglang sumigaw ito sabay padyak sa inuupuan nito. Kasabay ng paglabas ni ms.wall mula sa tent.

"Sagutin mo ang tanong ko"sigaw nito. Kaya naman agad akong napatayo. Sabay hawak sa balikat nito. Upang pakalmahin sana. Ngunit bigla nitong tinanggal ang kamay ko. Na ikinaurong ko ng bahagya.

"Ano ba. Kumalma ka nga muna"mariing sambit ko. Na hanggang ngayon ay nag tataka parin.

"Anong nangyayari dito"sambit ni ms.wall. kasabay ng pag tahimik nito at pag kalma.

"Sagutin mo nalang ang tanong ko"mariing sambit nito na parang nahihirapan.

"Bakit mo sila kilala"takang tanong ko na kanina kopang gustong malaman. Nakita ko naman itong napatango tango. Pagkatapos kinagat ang labi kasabay ng pag tulo ng isa luha galing sa mga mata nito. Na mas lalong ikinataka ko.

"Anak ka nila?, please sabihin mong hindi."sambit nito habang lumuluha at sabay hawak sa ang aking pisngi. Ano ba kasing meron. Pansin ko ang lahat na tahimik. Nakatitig lamang sila sa amin. Parang takot na gumawa ng tunog.

"Please baby"bulong na sambit nito at pinag dikit ang aming mga ulo.

"I'm sorry"bulong ko kasabay ng pag patak ng aking luha. Hindi ko alam kung bakit humihingi ako ng tawad. Hindi ko alam kung dahil ba sa anak nila ako o nang dahil sa may nagawa ba ang pamilya ko. Pero papaano naman mangyayari yon. Kung matagal nang patay ang magulang ko. At alam kong hindi sila gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng kapwa nila.

Nakita ko itong napapikit. Kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Nagulat ako ng biglang itong humiwalay. At agad na pinag papadyak ang mga bagay na makita nito.

"Hijo tama na. Tama na" sambit ni ms.wall. habang pinipigilan ito.

"Hijo. Lance tama na."ulit nito.

"Bitawan moko. Damn this life"mariing sigaw nito. Habang umiiyak. At nag patuloy parin sa pag wawala.

"Señorito. Tumigil kana. Sa tingin mo ba gusto ng kapatid mo ang ginagawa mo ha"sigaw ni ms.wall na nag pagulat sa amin. At kasabay ng pag tigil nito at pagkatulala.

"Señorito."Bulungan nila.

"Napakalaki ng mundo bakit ikaw pa"bulong nito habang nakatitig sa akin. At dali daling lumapit. Sabay hawak sa akin braso ng mahigpit. Na ikinadaing ko. Sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo na sinasaktan ka.

"Walang kapatawaran ang ginawa ng pamilya mo sa kapatid ko"mariing sambit nito habang matalim na nakatitig sa akin. Kasabay ng pag bitaw nito sa akin na ikinabagsak ko sa lupa ng nakatulala. Nakita ko namang agad na nag silapitan ang mga kasamahan ko sa akin habang si ms.wall naman ay lumapit sa binata. At hinihila ito papalayo sa akin. Naramdaman ko naman itinayo ako nila nesa.

"Hindi pako tapos sayo. Sinisigurado kong mag hihirap ka. Ipapatikim ko sayo ang sinapit ng kapatid ko sa pamilya mo"mariin at malamig na sambit nito. Bago lumisan. Pag kawala nito kasabay naman ng pag pikit ng aking mata at pag kahulog ng mga luhang kanina kopa pinipigilan.

The Heir Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now