Kabanata 7

3.6K 79 1
                                    

Lahat kami ay nakaupo sa kama ng biglang pumasok ang namamahala sa mansion, hanggang ngayon, ay sobra parin ang kaba ng bawat isa sa amin

Hinihingal na dumating ang matanda , habang masama ang tingin sa amin, tumayo kami ng tuwid at sabay sabay na yumuko, kahit na ako sobra ang aking kaba, tsaka sino kaya ang nasa 3rd floor

"Posible kayang boss namin yon" bulong ko habang nakatingin sa baba, kasabay ng pag siko, sakin ng katabi kong babae kanina, napatingin naman ako dito, at kinunutan ito ng noo, tumayo naman ito ng tuwid at yumuko ulit, na kinataka ko

"Ehem"biglang sabi ni Ms.Wall, na nag pagulat sa akin, at nagpapikit nang mariin sa aking mata at nakita ko naman ang pangiti ng katabi ko, na nag pakagat ng labi

"Sino ang nag simula ng gulo"mariing tanong ni Ms.Wall

Pero ni isa sakanila ay walang sumagot, hindi paba sila aamin, baka lahat kami dito, ay mapagalitan

"Sino"sigaw nito, na nagpapitlag sa amin, kaya naman hindi nako naka tiis

"Si Nesa po Ms. Wall"banggit ko

"Hindi po totoo yon"biglang sabi nito habang nanginginig

"Tahimik, hindi kita Tinatanong"sigaw nito, na mas lalong nag payuko sa amin

"Mag handa kayo ngayon, sa kaparusahan nyo"naka ngitngit na sabi nito na nag pakunot sa akin

"Kaparusahan"diko maiwasang banggit, tinitigan naman ako nito, at ngumisi

"Rule #4 Bawal ang maingay sa loob ng Mansion"mariing sabi nito, tumingin naman ito kay nesa at tinignan nang masama

"Mukhang nakalimutan mo ang gawain mo nesa, Rule #8 wag kaligtaan,ang lahat ng gawain, na naka atang sayo, mukhang kinalimutan mo ang gawain mo dito sa mansion ha"naka taas na kilay nito

"Ms. Wall-----" sabi sana nito

"Tahimik"sigaw nito

"Hindi ko sinabing sumagot ka"tuloy nito

"Sino pa, ang ibang kasama sa gulo kanina"sigaw uli nito, kaya naman agad nang nag si taas ng kamay sina ica at ali

"Alam nyo na ang mang yayari"sigaw nito, na nag pakaba sa tatlo, at sabay sabay na tumango

Kumunot naman ang aking noo, dahil sa nang yayari, kasabay naman nito nag pag tunog,  na parang isang alarm, paulit ulit itong tumunog at hindi tumigil, na nag paangat ng ulo sa mga kasamahan ko, kaya naman napaangat narin ako

"Lagot na, mukhang ginalit nyo ang senyorito"napapailing na sabi ni Ms.Wall

"Babalikan ko kayo, para sa parusa nyong tatlo,"naka taas na kilay na sabi nito

"Go, galaw galaw na"sigaw nito habang pinapalakpak ang mga kamay,  sabay sabay naman kaming yumuko at sumagot

"Opo, Ms.Wall"sigaw namin, at agad na kumilos, nang makaalis nang ito, ay agad kaming nag sihingahan , at ngayong oras nato ramdam ko ang bawat tensyon sa amin,na kahit ni isa samin ay walang nag sasalita, parang takot na makagawa ng gulo

"Anong ibig sabihin ng tunog kanina"tanong ko sa kasama kong babae kanina

"Tinatawag ni señorito si Ms.Wall"bulong din nito

"Nakakatakot ba talaga ang señorito nyo"takang tanong ko

"Kung yan ang tanong mo, walang makakapag sabi,"napapailing na sabi nito, na kinakunot ko

"Anong ibig mong sabihin" tanong ko

"Kahit na kami na mga maids ay hindi pa namin sya nakita, sa 2 years ko dito ay never kopa syang nasilayan, kaya naman walang nakakapag sabi kung nakakatakot ba ang mukha nya o ano, kaya naman, wag na wag mo sya kakalabanin, dahil mahirap syang kalaban"bulong na sabi nito na nag pakilabot sa akin

Agad itong umalis sa aking tabi at nag handa na, kaya naman sumunod narin ako at nag asikaso

Nang tapos na kaming maghanda, ay isa isa kaming pumila, at umupo na muna sa kama, maya maya ay biglang bumukas ang pinto, kasabay ng pag tayo at pag yuko naming lahat

"Sumunod kayong lahat sa akin"sigaw nito at nag lakad, kaya naman agad kaming sumunod dito, nang kami ay makababa

"Kayong dalawa"turo nito samin

"Pumunta na kayo sa kusina, hintayin nyoko doon"tuloy nito, na agad naman naming tinguan

"Oh sige lakad na"sabi nito sa amin, na mabilis naming sinundan

"Kayong tatlo sumunod kayo "rinig kong sabi nito, kina ali

Nang makapasok kami sa kusina, ay sabay kaming napasandal at huminga ng malalim , tumingin ito sa akin at ngumiti

"Kung may gusto ka uling itanong, nandito lang ako"nakangiting sabi nito, na nginisihan ko naman

"I'm Isa, Ani" nakangiting sabi nito, na nag pakunot ng noo ko

"Ani"tanong ko

"Your name is Tania diba, tinanggal ko ang T and A, parang katulad ng samin"nakangising sabi nito

"Ano ba talagang pangalan nyo"tanong ko

"Isabelle, talaga ang pangalan ko"nakangiting sabi nito

"Ang iba"tanong ko, sana nang biglang dumating si Ms.Wall

"Kayong dalawa anong pinag uusapan nyo ha"sigaw na tanong nito sa amin

"Ahh wala po Ms. Wall"nakangiting sabi ni Isa , tinignan naman kami nito ng di naniniwalang tingin

"Halika na kayo, para makapag simula na tayong mag luto"mapanuring sabi nito sa amin, at nauna nang nag lakad sa ref, upang kunin ata, ang mga sangkap na gagamitin, napatingin naman ako kay isa ng mag salita ito

"Sila nalang ang tanungin mo Isa"nakangiting sabi nito, na tinanguan ko naman

The Heir Revenge (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon