--prologue--

3.3K 31 0
                                    

"GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANSTER"

--prologue--

"Nathan....." sigaw ko sa kanya ng makarating kami sa isang sulok ng school. Walang tao dahil may program.

Kanina ko pa siya hinahabol, iniiwasan niya ako matapos kong sabihin na buntis ako.

"Pakinggan mo naman ako, please" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ko pwedeng panagutan yan. Alam mo na lasing ako nung gabi na yun. At isa pa wala tayong relasyon. Ayokong masira ang pangalan ni Daddy at magkagalit kami dahil diyan." sambit niya sa akin.

"Nathan, please hindi pwede na hindi mo ako panagutan. Alam kong magagalit sa akin ang mga magulang ko. Papalayasin nila Ako." luha luha kong sabi.

"Shane, alam mo kung anong klaseng pamilya ang meron kami, alam mo na ayaw nilang madungisan ang reputasyon ng pamilya namin." sabi niya tsaka nagbuntong hininga.

~"Shane please, wag mo na akong guluhin. Nagmamakaawa ako". dagdag niya bago tumalikod sa akin.

"Sige, hindi na kita papanagutin pa, pero sa oras na ipanganak ko siya, tatanggalan na kita ng karapatan sa kanya" sabi ko sa kanya ng buong tapang.

Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Sure, yon pa na wala na akong aalahanin pa." sabi niya tsaka humarap sa akin.

~"At tsaka, sa susunod kasi wag kang magpapadala sa damdamin mo Shane, dahil sa bandang huli ikaw ang kawawa" sabi niya tsaka tumawa ng mahina bago tumalikod.

Those words slaps me, it hurt so much. Alam niya na gusto ko siya, kaya nagta-take advantage siya don.

Damn, napakatanga ko, bakit ba ako nainlove sa isang gangster na katulad niya, bakit ako nagpadala nong sabihin niya na mahal niya ako.

Paano na ako? Paano kong papalayasin ako nila mama? San ako titira? Paano na ang baby ko?

--end of prologue--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin