--Chapter 24--

1K 18 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 24--

Bumalik sa dating bahay sina Mama at papa, habang nagstay ako dito sa bahay ni tita kasama si Nathan.

"Punta muna ako sa bahay, pinapapatawag ako ni papa" saad ni Nathan.

"Bakit, may problema ba" tanong ko at umiling siya.

"Hindi, may papeles lang daw ako na dapat pirmahan" sagot niya.

"Bakit ikaw pa pupunta don, bakit hindi nalang siya" sambit ko. Kumunot naman ang noo ko sa naging reaksyon niya.

"Bakit mamimiss mo ba ako." saad niya tsaka ngumiti ng pilyo.

"Hindi ah, edi umalis ka" sambit ko.

"Wag kang mag aalala, uuwi naman ako kaagad" aniya habang ngumingiti.

"Assumera ka" taray ko.

"Sige alis na ako" saad niya tsaka umalis na.

Pagkatapos niyang umalis nagplano ako na maglinis. Sa paglilibot ko sa bahay may nakita akong envelope.

"Ano to" sambit ko habang binuksan ang envelope.

Hindi ko pa man ito nakita ay may kumatok na sa pinto. Baka naiwan siguro to ni Nathan.

"Michael ikaw pala" sambit ko.

May bitbit itong flowers at cake. Siya din nagbigay sa akin noong nakaraang araw. Bihis na bihis ito at amoy na amoy ko ang mabango nitong perfume.

"Uhm, pasok ka muna" anyaya ko. Pumasok naman ito at umupo sa sala.

"Bakit napadalaw ka" tanong ko.

"Wala gusto lang kitang bisitahin" ngiti niyang saad sa akin.

"Ito pala flowers" sabi niya at inabot sa akin ang paborito kong orchid. Kinuha ko naman ito at inamoy.

"Napakaganda mo talaga" nahihiya niyang sabi.

"Ah, hehehe." tanging wika ko nalang.

"Ay ito pala cake, kainin mo to ako na magbubukas." sabi niya at sinimulan ng bukasn ang cake.

"Wow, ang sarap naman" sambit ko ng matikman ang cake.

Mula pa nung mga highschool pa kami hanggang nagcollege palagi niya akong binibigyan ng cake.

At gaya noon, wala paring kupas ang sarap nito. Ito na yata ang pinakamasarap na cake kahit napakamura nito.

"Shane, wala ba talaga akong pag asa sayo" deretsong tanong niya.

"Michael alam mo namang may anak na ako" mahina kong saad.

"Kahit na, hindi ako kagaya ni Nathan handa ko namang panagutan sila." aniya na seryoso ang mukha.

Mula pa noong highschool kami, nililigawan na niya ako. Mabait si Michael, pero talagang tinamaan ako kay Nathan.

Sa lahat ng moments na magkasama kami, palagi kong iniisip na sana siya si Nathan.

"Michael kasi--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Shane, noon pa man mahal na kita at alam mo yan, palagi kong ipinaramdam sayo kung gaano ka kahalaga sa akin" seryoso niyang saad.

"Shane, handa kong tanggapin ka kahit may anak kana. Shane, pangako ko sayo na aalagaan kita at hindi kita sasaktan"

"Shane, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mahalin ka, ipapakita ko sayo kung gaano ka kahalaga" dagdag niya.

Ni kailanman wala akong nararamdaman kay Michael na higit pa sa kaibigan. Tinurong ko siya noon na para kong kuya at alam niya yun.

Noon paman alam niya na mahal ko si Nathan. Kahit palagi niyang sinasabi sa akin na wala akong mapala kay Nathan

"Michael--" wika ko.

Oras na siguro para itigil na niya ang panliligaw niya sa akin. Panahon na para sabihin sa kanya na Mahal na mahal ko si Nathan.

Noon pa man hindi parin nawala ang pagmamahal ko sa binata, lalo na ngayon na may anak kami at bumabawi siya.

Hindi ko alam kung para lang ba sa mga bata ang ginagawa niya o ginagawa niya ang lahat ng ito dahil mahal niya ako.

Pero kahit na ganoon, mahal ko parin si Nathan at hindi n magbabago yun.

Tiningnan ko si Michael at hinawakan ang kamay niya tsaka ngumiti.

"Michael--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may magsalita.

"Shane, naiwan ko ang--" hindi na natapos ni Nathan ang pagsasalita ng makita niya kaming dalawa.

Tumingin siya sa akin at bumaling ang tingin niya kay Michael.

Tiningnan niya ito ng matalim tsaka dumako ang tingin niya sa naghawakan naming kamay.

Agad akong bumitaw kay Michael baka ano pang isipin ni Nathan tungkol sa amin.

"Nathan--" mahina kong saad.

"Naiwan ko yung envelope, kukunin ko lang" sabi niya tsaka pumasok sa kwarto.

Paglabas niya dala na nito ang envelope. Bago pa siya umalis, tiningnan muna niya ng matalim si Michael at tinignan niya naman ako.

Kitang kita ko sa mata niya ang lungkot. Sana naman wag siyang magiisip ng kung ano tungkol sa amin.

--end of chapter 24--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ