--Chapter 6--

1.4K 21 1
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 6--

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo kanina, pinahiya mo ako sa lahat ng tao. Ano nalang sasabihin nila sa akin, na hindi kita pinalaki ng tama" bulyaw ni dad sa akin.

Hindi talaga, dahil sa kanya namatay si mama. Hanggang ngayon Hindi ko pa siya napapatawad.

"Akala ko ba nagbago ka na Nathan, akala ko ba Hindi ka Na gagawa PA ng kalokohan. Pero anong ginawa mo ngayon huh~" Galit na sabi ni daddy tsaka nagbuntong hininga.

~"kailan ka ba titino huh" dagdag PA niya.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi niya kanina diba dad, sabi niya OK lang naman sa kanya Hindi ko siya panagutan, pwede naman natin tong itago" mahinahong sabi ko.

"Nababaliw ka naba Nathan, nabuntis mo siya,     kailangan mo siyang panagutan" utal ni daddy.

"Dad alam mo naman ayaw ko diba, OK nga lang sa kanya na hindi ko siya panagutan." sabi ko uli sa kanya.

"Ganun nalang kadali yun, napaka irresponsable mong tao, pagkatapos mong magpasarap, tatakbo kana sa responsibilidad" Galit na sabi ni daddy.

Akala mo kung Sinong mabait, baka nakalimutan niya kung anong ginawa niya Kay mama noon.

"Napakawalang kwenta mong~~" Hindi na ako nakapagpigil PA at nasagot ko si dad.

"Oo, dad wala akong kwenta, Napaka irresponsable kong anak, Hindi mo ako masisisi dad, nagkaganito Ako dahil sayo" bulyaw ko sa kanya.

Ang Galit na pinipigilan ko kanina ay kumawala na ngayon. Nanlusok ang mga mata ni dad ng marinig yun, wala siyang magagawa dahil Totoo naman yun.

"Idadamay mo PA ang nakaraan sa kung ano man ang nangyari  ngayon, wala ka talagang kwentang anak" bulyaw ni daddy sa akin.

"Wag kang magmalinis dad na akala mo wala kang ginawang kasamaan noon. Dahil kung tutuusin mas masahol ka pa sa akin. Iniwan mo din si mama noon diba, pinahirapan mo siya, wala ka ding kwentang ama~~~"

Pagkatapos kong sabihin yun na Walang preno preno, naramdaman ko nalang ang matigas na kamay ni dad sa pisngi ko.

Bumulagta ako sa sahig matapos akong suntukin ni Daddy ng napakalakas. Sa buong buhay ko ngayon lang Ako sinuntok ni dad.

Medyo nahihilo PA ako at nawalan ng lakas, ramdam ko na ang sakit sa pisngi ko.

"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan, wag mo akong itulad sayo, pinagutan ko ang mama mo, bumawi Ako sa inyo, at nagmamahalan kami." sabi ni daddy.

"Sa ayaw at sa gusto mo papanagutan mo siya, pero sa ngayon kailangan mong pumunta sa France, para Mag Aral at Mag training" dagdag pa ni daddy bago umalis.

Tama, napag usapan na namin ito ni daddy noon at pumayag ako sa isang condition. Pero ang sabi niyang papanagutan ko ang babaeng yun, tsk, asa PA kayo.

--end of chapter 6--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now