Chapter 31

958 13 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 31--

After all this time ngayon ko lang nalaman ang totoong dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa amin.

Ang sakit sakit, umasa ako na ginagawa niya ang lahat dahil gusto niyang bumawi sa anak namin at dahil mahal niya ako.

Bakit hindi ko ito naisip noon pa man, bakit hinayaan ko nalang mahulog uli ang puso ko sa kanya kung gayon una palang ayaw na niya talaga sa akin.

Ngayon palang ayaw ko na siyang makita pa, niloko niya ako at sinaktan. Sana naman tinupad ko na ang pangako ko noon na hindi ko na siya bibigyan ng karapatan sa anak namin.

Dahil habang tumatagal mas nasasaktan ako.

"Shane, usap tayo please" sigaw ng lalaki sa labas ng bahay.

Anong ginagawa ni Nathan ng ganitong oras. Hahayaan ko nalang siya. Dahil lalo lang akong masasaktan pagnagkita pa kami.

"Shane! Pagbuksan mo naman ako please. Nakikiusap ako." pakiusap niya sa akin.

"Shane, just let me explain everything. Mali ka nang inaakala" dagdag niya.

Mali, talaga lang huh. Malinaw na sa akin ang lahat. At ayaw ko nang marinig ang explanation  niyang puno ng kasinungalingan.

"Shane--" sigaw niya uli. Pero ngayon kinalampag na niya ang pintuan.

"Ano ba, umalis kana. Humanda ka sa akin pagnagising ang anak ko." sigaw ko pabalik sa kanya.

"No Shane please" saad niya na patuloy parin sa pagdabog sa pinto.

"Umalis kana, nakakadistorbo ka na" sigaw ko uli pero di parin siya tumigil. Mas malakas pa ito kumapara nong una.

Ayaw kong magising anak ko dahil sa kanya, lalong lalo na ang mga kapitbahay ko na himbing na himbing na sa tulog.

Kaya lumabas ako. Nagulat nalang ako ng makita ko siyang nakaluhod sa harap ko at puno ng luha ang mga mata nito.

"Shane--" saas niya tsaka tumayo at yinakap ako ng mahigpit.

"Bitawan mo ako--" sambit ko pero hindi parin siya kumalas sa pagkakayap sa akin.

"Mahal na mahal kita Shane. Just let me explain" mahinang bigkas nito.

Naamoy ko ang baho ng alak nito. Malamang lasing siya sa mga oras na ito.

"Umalis kana, wala na dapat tayong pag usapan pa" mahinahon kong sabi at kumalas sa pagkakayakap.

"Shane naman--"

"Umalis kana at wag mo na akong distorbuhin pa." saad ko tsaka tumalikod.

"Shane, ako lahat nagplano sa deal na yun. Pero ni kailanman hindi ko iyon pinirmahan--" saad nito.

Anong pinagsasabi niya, anong hindi niya pinirmahan. Hindi ko nabasa ang lahat ng nakasulat doon.

"I make that deal para bumalik ang taong mahal ko. But she cheated. I don't deserve her, because I deserve you but you don't deserve me--"

"Alam kong galit ka pa sa akin ngayon, pero sana mapatawad mo ako, sana mapatawad mo ako balang araw. Hanggang sa muli nating pagkikita Shane--" dagdag nito bago tumalikod.

Umalis ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Anong ibig niyang sabihin don. Anong ibig niyang sabihin sa balang araw.

———

I BROKE her again.

I HURT her again.

I make her CRY again.

Napakawalang silbi ko talaga. Lahat nalang ng taong mahal ko sinasaktan ko. Si dad, even si mom, ang mga taong malapit sa akin, and now si Shane.

She doesn't deserve me, dahil wala akong kwenta. Hindi siya magiging masaya sa akin, dahil wala akong kwenta.
I'm not the best dad sa mga anak namin, dahil wala akong kwenta.

I'm so useless, wala na siguro akong ibang silbe dito sa mundo kundi ang manakit. And I don't want that.

Kailangan ko muna sigurong umalis. Kailangan ko munang bigyan ng time si Shane na mag isip hanggang sa mapatawad na niya ako.

Kailangan ko munang lumayo para wala na akong masaktan pa. I'm so worthless, useless.

Mula nong nagkaayos na kami ni Shane, napagdesisyonan ko na hindi ako pupuntang New York at si dad nalang mag isa.

Matagal kasi ang isang taon. Halos isang araw nga na hindi ko nakakasama si Shane at hindi nakikita ang mga anak namin ay para bang isang taon yun.

Kaya pupunta nalang ako. Para lumayo sa taong mahal ko, para hindi ko na sila masaktan pa.

Pero kung pipigilan man ako ni Shane, I will stay, pero kung hindi man, tutuloy ako.

--end of chapter 31--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now