Chapter 40

868 10 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 40--

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa din ako nagustuhan ni Shane. Ginawa ko ang lahat, lahat lahat pero wala parin.

Si Nathan padin ang mahal niya. Si Nathan pa din kahit sinaktan siya. Si Nathan pa din kahit tinanggihan siya. Si Nathan na walang alam kundi mangkama.

Ako na nandito sa tabi niya, ako na karamay niya palagi. Ako na nandito pagkailangan niya, ako na inaalala at inaalagaan siya. Ako na mahal na mahal siya.

Nandito ako ngayon sa lumang plantahan malapit sa dagat. Wala namang tao kaya malaya kong gawin kung ano man ang gusto kong gawin kay Shane.

Alam kong natuntunan na nila ang pinangyayarihan ko. Kaya gusto ko makasal kami ni Shane sa madaling panahon sa ayaw at sa gusto niya.

Walang emosyon kong tinitingnan ang walang malay na magandang dilag. Hindi pa din siya nagbago, napakaganda, lalo na ngayong suot niya ang puting gown.

Pero mas maganda kong sa akin siya ikasal.

Nakatali ito at may tela din sa kanyang bibig para di siya makasigaw, hindi din siya makakatakas dahil nilagyan ko ng kadena ang isang paa nito na dalawang metro ang haba.

Gumalaw ang mga kamay nito, simbolo na gising na siya.
Unti unti niyang dinilat ang kanyang mga mata at inilibot ang paningin sa palagid.

Lumingo lingo ito habang nakatingin sa akin. Baka alam na niya kung ano ang ginawa ko sa kanya.

"Hmmm." sigaw niya at nagpupumiglas.

"Akin ka lang Shane" mahina kong saad.

"Hmmm, hmmm,hmm" usal niya.

Hindi ko na iintindihan ang sinasabi niya pero base sa mukha nito, galit na galit ito sa akin. Ayaw ko nang patagalin ito. Baka maunahan ako ni Nathan.

"Ilabas mo na yan" utos ko sa isa sa mga tatlo kong tauhan.

Inilabas nila ang isang pari na nakatali ang kamay. Dala dala ang documento na magpapatunay na ikinasal kami ni Shane. Pirma lang naman ang kailangan niya.

Pilit kong patayuin si Shane pero nag pupumiglas ito.

"Hmmm" sigaw niya.

Wala na akong choice kundi ang kunin ang lakas niya. Sinampal ko ito ng malakas dahilan para mapaupo siya.
Pasensya na Shane.

Desperado na ako.

"Sorry Shane. Halika na, ikakasal na tayo" sambit ko habang hinawakan ang kamay nito.

Pilit ko uli siya pinatayo pero ganun pa rin. Kinuha ko ang baril sa lamesa at itinutok sa kanya.

"Tatayo ka o sasabog tong bala sa ulo mo" pananakot ko.

Galit na galit ang mukha nito habang unti unting tumayo.

"Arghh" sigaw ko ng sipain niya ng malakas ang gitna ko. Tumakbo ito pero sa kasawiang palad hindi niya alam na nakadena siya.

Nagtungo siya sa bintana habang hinahampas ito.

"Hmm, hmmmmmm," sigaw niya.

"Walang makakarinig sayo Shane, wala" bigkas ko.

Lumapit ako at sinabunutan ang buhok nito.

"Hmmm" sigaw nito.

Dinala ko siya malapit sa pari.

"Sige na, magsimula ka na father. Deretsohin mo na sa I do" saad ko at tumango father.

"Ikaw Mr. Nathan, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang kabiyak ng iyong puso sa hir--" hindi na tinapos ng pari ng bigla akong nagsalita.

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now