--Chapter 13--

1.4K 20 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

-chapter 13--

After 3 days nakalabas na din ako. Inihatid Ako ni Manang at Mang Kanor sa bahay. Tinulungan naman ako nila upang Mag ayos sa bahay.

Hanggang ngayon wala PA ding Nathan ang bumungad sa akin. Kaya habang tumatagal lumalim din ang Galit ko sa kanya. Pero Ewan ko Kung bakit hinahanap ko siya.

Alam kong Hindi maging madali ang pag aalaga sa kanila, pero kakayanin ko para iparamdam sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

NASA kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan nila Manang at Mang Kanor sa sala ng may bumukas sa pinto.

Ganun nalang ako nagulat na ang daddy Pala ni Nathan ang dumating. Daladala ang maraming prutas at gulay sa mga kasama niya.

Sinabi ko na noon sa kanila na pagkatapos kong manganak pwede na nila akong lubayan.  Kaya ganun nalang ang kasiyahan ko, pero may bahagi ng puso ang dismayado na naman.

Ngiti itong pumasok, inilagay naman ng mga kasama niya ang dala nila sa kusina at umalis na.

"Magandang araw po Sir Kier, maupo po kayo" Bati at anyaya ko sa kaniya, lumapit naman ito tsaka umupo sa harap ko.

"Salamat po sa mga dala niyo, Hindi niyo naman po kailangang gawin yon" nahihiyang sambit ko.

"Why not, mga apo ko sila, at Masaya ako dun. Kaya let us just care them too" ngiting saad niya. Nakakatuwa, Napakabait Talaga niya.

"Oo naman po, bakit naman po hindi" sambit ko tsaka ngumiti ng malapad.

Magsasalita na sana ako ng may bumukas ulit sa pinto. Napaawang nalang ako ng makita ko siya NATHAN.

Nakayuko itong pumasok at may dala dalang flowers. Alam kong Masaya ang puso ko ngayon, pero nangingibabaw parin ang Galit na nararamdaman ko sa kanya.

Ewan ko pero parang bagong Nathan yata ang nakikita ko ngayon. He change a lot. ALMOST.

"Sit here son" anyaya ni Sir Kier sa kanya. Lumapit naman ito habang nakayuko parin at umupo sa tabi niya.

Ay, kapal, sinabi ko ba tumuloy ka, tapoS ngayon uupo ka, Kung wala yang Daddy mo kanina pa kita pinalayas.

Napacute nilang tingnan, mag kamukha talaga silang Dalawa, pero napakalayo naman ng ugali ni Nathan sa dad niya.

Nakita ko namang tinapik Ni Sir Kier ang anak.    Tiningnan nito ang ama, bago humarap sa akin.

Ng magtama ang mga mata namin, agad naman itong umiwas at tumayo.

"Uhmm~flowers for you" sabi niya habang inaabot ang bulaklak. Nalilito tuloy Ako kung kukunin ko ba o Hindi.

Kung kukunin ko alam kong iisipin niya na bati na kami, Kung tatanggihan ko ito baka ano nalang isipin ng dad niya.

Mariin ko siyang tiningnan, he's so sincere and I can feel it. Kukunin ko na sana ang bulaklak ng magsalita siya.

"OK lang naman na di mo tatanggapin ilalagay ko nalang dito sa lamesa " sambit niya tsaka umupo.

Nanghinayang tuloy Ako, pero Ewan ko ba I can feel excitement this time.

"Hindi ka pwedeng Mag isa dito, kailangan may katuwang ka sa pag aalaga sa kanila. Alam mo namang kapapanganak mo PA lang at kambal anak mo. " seryosong saad ni Sir Kier.

"Kung ganun po, pwede po ba si Manang." sabi ko at tiningnan si manang, nakangiti lang ito at alam kong papayag ito.

"Hindi pwede si Manang kasi~ magbabaksyon siya" agad naman saad ni Sir Kier.

"Po--" gulat na sabi ni manang.

"Diba manang magbabakasyon ka, sa probinsya niyo. " sabi ni Sir Kier at tinitigan ng matalim si manang. Ano bang problema nila.

"Ah, Oo nga Pala, magbabakasyon Pala ako" ngiting saad ni manang na kinamot PA ang ulo.

"Ah, ganun po ba, si Manang Auring nalang po kapitbahay ko, maba--" Hindi ko na natuloy ang pagsasalita ng sumingit si Sir Kier.

"Hindi pwede~" napaawang nalang ako sa inakto niya.

"Alam mo namang mahirap magtiwala ngayon" dagdag niya.

"Mabait naman po si--" sumingit uli siya.

"Kahit na, Hindi natin alam ang tumatakbo sa utak nila" agad naman sambit niya. Ano bang nangyayari sa kanila.

Kumunot tuloy ang noo ko.

"Kung ganun Kahit isa nalang sa mga katulong niyo, I'm sure mapagkatiwalaan sila" ngiti kong saad.

"Hindi din pwede, kasi busy kami, right son" sambit at tiningnan si Nathan.

"Po--" gulat na sabi ni Nathan sa kanyang dad.

"Diba busy sila, alam mo na" sabi nito at nilakihan ng mata ang binata.

"Ayyy, Opo Pala dad, May bisita tayong darating" saad nito.

"Tama ka Dyan son" saad nito tsaka tumawa ng mahina.

Ano bang nangyayari Kay Sir Kier, Nagtataka tuloy Ako sa inasal niya ngayon.

So weird, I smell something fishy.

--end of chapter 13--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now