--Chapter 20--

1.1K 22 0
                                    


GETTIN PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 20--

"Kanino yan" tanong ko sa kanya habang masayang kinakain ang cake at may flowers pa.

"Kaibigan" tipid niyang sagot.

"May kaibigan bang ganyan" sambit ko.

"Ang hilig mong makialam" taray niyang sabi.

"Oh heto, itim yan lahat" sabi ko sabay abot ng paper bag.

Kakagaling ko lang sa mall, namili ng brief at binilhan ko na rin siya ng mga pante. Kahit nakakahiya binili ko parin.

"Mahal to ah" sambit niya.

"Yes of course, like what Cassandra said, I dont like cheap" taray kong sabi.

"Mukha mo cheap" saad niya.

"May joke ako sa Panty" sabi ko pero hindi siya kumibo.

"Knock knock" sambit ko.

"Ano namang katarantaduhan yan" tanong niya.

"Sabayan mo nalang kasi--"

"Knock knock?" pacute kong sabi

"Whos there" sabi niya na parang masama ang loob.

"Panty"

"Panty who".

"Pasulyap sulyap ka kunwari pantyngin tingin sa akin--" kanta ko with feelings pero pinutol niya.

"Banat mo bulok" taray niyang tugon.

"Corney ng banat ko, pero kayang binatin pagkababae mo" sabi ko tsaka tumawa ng pilyo.

"Pwede ba, kung ganyan ituturo mo sa anak mo, mabuti pang lumayas ka" galit niyang sigaw.

"Ayiiee kunwari kapa, kinikilig kalang eh" sabi ko tsaka tumawa. Snob niya lang ako.

———

Ewan ko kung kikiligin ba ako o mandidiri sa mga pinagsasabi niya. Walang preno bibig niya, kung ano ang naiisip sasabihin niya.

"By the way may sasabihin ako pero sana wag kang malulungkot" bigkas niya.

"Ngayong October pupunta kami sa New York" saad niya. Anong pakialam ko dun.

"Napakaimportante nun kaya isang taon kami dun" dagdag niya.

Tama ba narinig ko, isang taon, grabe naman yun katagal.

"Wag ka nang malungkot mabilis lang naman yun" saad niya na ikinabalik ng diwa ko.

"Ano ba yang pinagsasabi mo" pakunwari kong tanong.

"Kunwari ka pa, pero kung sasabihin mong mamimiss mo ako, hindi ako tutuloy pangako yan" seryoso niyang saad.

Lahat nalang talaga ng taong mahal ko iniwan ko, una ang mga pamilya ko, sunod naman si tita, tapos ngayon---

"Patikim nga" saad niya tsaka kinuha ang tinidor ko.

"Pangit ng lasa, halatang mumurahin" sambit niya. Napakayabang talaga ng mukong nato.

"Sa susunod kong may gusto kang kainin sabihan mo ako, maraming mamahalin dyan." dagdag niya. Hambog talaga.

"Di bale ng mura masarap naman" sambit ko.

"Shane, meron namang mahal na masarap at worth it, tulad ko. Sabihan mo lang ako kung gusto mo ng masarap handa akong magpakain sayo" aniya at ngumiti pa ng pilyo.

"Utang na loob, maghinay hinay ka sa pananalita mo" galit kong sabi.

"Anong panty ang nasa linya" tanong niya.

"Ano na naman ba yan" inis kong saad.

"Edi pantyliner" sabi niya tsaka tumawa.

"Eh ano naman ang sabi ni brief kay panty?" tanong uli niya.

"Tumahimik ka"

"Edi pantykim naman. Hahahah" tawa niyang sabi. Ano namang relate dun.

"Anong tawag sa lalagyan ng brief--
Edi brief case" saad niya. Halata naman eh.

"Eh ano namang tawag sa--" hindi na niya natuloy ng sumingit ako.

"Sabi ko umalis kana" sigaw ko.

"Aalis na, nagjoke lang naman eh" sabi niya tsaka nagpout.

"Umalis ka na, nakakainis ka" taray kong sabi.

"Hindi ba nakakatawa ang knock knock ko.?" sabi niya sa tsaka tumalikod na.

Narinig ko pang kinanta niya ang bulok niyang banat kanina.

Ayaw kong masanay na nandyan siya, alam kong aalis siya. Pero inaamin ko, nasanay na ako na lagi siyang nandyan sa akin.

--end of chapter 20--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now