--Chapter 21--

1K 18 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 21--

Palagi paring sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Nathan sa akin tungkol sa pag alis niya.

Ngayon palang alam kong mamimiss ko siya. Nakakainis, gaano ba ka importante ang trabaho para sa kanila.

"Hoy tingin mo, bagay to kay Baby Sunshine" saad niya habang pinapakita sa akin ang sunflower dress.

"Ewan ko" sambit ko

"Ok ka lang ba" tanong niya. Pero hindi ko lang siya kinibo.

———

"Wow tignan mo tong pinapanood ko, ang ganda" aniya habang nanonood ng video sa cellphone.

"Hindi ko hilig yan" taray kong sabi.

———

"Halika na kain na tayo. Alam kong paborito mo itong kare kare, halika na gutom na ako." anyaya niya.

"Busog pa ako" tipid kong sabi.

"Sige na, kain na tayo, gutom na ako eh" pacute niyang sabi.

"Kung gutom ka kumain ka, bakit nasa akin ba ang pagkain" galit kong tanong.

"Ah ga--ganun ba, sige mamaya narin akong kakain" mahinang sambit niya.

"Pwede ba, mauna ka na. Wag mo na akong intayin" taray kong sabi.

"Baka magkasakit ka niyan. Sige na." anyaya niya uli.

"Pwede ba wag kang mapilit" malakas kong bigkas sa kanya. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya.

"Si--sige" sabi niya.

Mas mabuti ng ganito para hindi aKo masanay na nandyan ka palagi.

———

"Ako na dyan" saad niya habang hawak ang mga labahin ko.

"Kaya ko ng maglaba" wika ko pero pinilit niya parin ako.

"Kahit na, ako na maglaba kasi alam kong pagod ka kagabi." sabi niya at kinuha ang mga labahin ko.

"Pwede ba kaya kona" bigkas ko pero ngumiti lang siya.

"Kunwari ka pa eh, sige na ako na" sabi niya at inigaw ang labahin mula sa akin.

"Pwede ba kaya ko na, ng MAG ISA" diin kong sabi.

Natigilan naman siya at kita ko sa mata niya ang lungkot at pagtataka.

"May problema ba Shane, galit ka ba sa akin" mahinang tanong niya.

"Alam mo kung ano ang problema, hilig mong makialam. Sabing kaya ko na. At kaya ko kahit wala ka" galit kong bigkas.

"Shane, sorry." bigkas niya.

"Umalis kana" mahina kong wika.

"Shane, alam kong galit ka pa sa akin hanggang ngayon" wika niya.

"Mabuti alam mo" taray kong sambit.

"Kaya nga ako nandito para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo" malungkot niyang sabi.

"Pero sana naman sabihin mo sa akin lahat ng galit ng nararamdam mo, para malaman ko, para maayos ko, para maitama ko lahat ng pagkakamali ko" dagdag niya.

"Nasaan ka nung panahon na kailangan kita." sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pilit na pinapatigil.

--"nasaan ka nung namili ako ng gamit nila, nasaan ka nung nagpapacheck up ako every month, nasaan ka nung nanglihi ako, nasaan ka nung nanganak ako?" dagdag ko at yumuko siya.

Alam ko namang ginagawa nila to just for the baby and not for me. Gusto lang nila yung bata.

"Sinundan kita nung namili ka, hindi totoo na bibili ako ng tumbler, wala ako nung nagpacheck up at nanglihi ka dahil pumunta ako sa France para magtraining, pero kahit nandon ako, ikaw palagi iniisip ko. Pumunta ako dun para hindi lang magtraining, dahil gusto kong baguhin ang sarili ko, dahil ayaw kong makilala ako ng mga anak ko na barumbadong tao kahit alam kong ayaw mo akong ipakilala sa kanila. Sobrang saya ko nong naganak ka, nadon ako sa ospital pero hindi ako nagpakita kasi ayaw mo akong makita." saad niya.

Damn, ano ba tong pinagsasabi ko, bakit humantong sa ganito ang lahat.

"Alam kong galit ka pa sa akin, pero sana mapatawad mo ako balang araw" dagdag niya tsaka tumalikod.

Nakita ko pang pinahid niya ang mga luha sa pisnge niya bago umalis

Nathan, sorry. Sabi ko sa isip ko. Nadala lang siguro ako sa lungkot at galit.

Galit dahil sinanay niya ako na nandyan siya palagi kahit aalis naman pala siya, lungkot dahil lahat nalang ng taong nakasama ko, lahat ng taong mahal ko iniiwan ako.

Takot na akong masanay sa taong nandyan palagi pero aalis din pala. Takot na akong masaktan uli.

Alam kong bata lang habol nila. Nathan doesnt love me, yun yong totoo. Nandito siya para bumawi sa akin sa mga bata, pero hindi niya ako mahal.

———

Hapon na pero wala pa rin siya. Pinaalis ko siya pero ngayon hinihintay ko siya.

Narinig kong iyak ng iyak si Baby Sky. Pumunta ako sa kwarto, at kinarga siya.

"Bakit ang init mo" saad ko ng mahawak ang noo niya.

Inaapoy siya ng lagnat. Wala na naman si Nathan na kailangan ko siya. Wala siya dahil narin sa akin dahil pinaalis ko siya.

--end of chapter 21--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now