--Chapter 15--

1.3K 24 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 15--

Nasa labas na ako ng bahay ni Shane bitbit ang isang maliit na maleta. Kinakabahan akong pumasok.

Pero kailangan kong lakasan ang loob ko, nandito ako para bumawi. At gagawin ko ang lahat mapatawad niya lang ako.

Bukas ang pinto, dahan dahan akong pumasok sa loob, laking gulat ko nalang na nasa sala siya, nakaupo at tinitingnan ako ng matalim.

Nalilito tuloy ako kung tutuloy ba ako o humingi muna ng permiso sa kanya.

Tumigil ako sa harap niya tsaka yumuko. Ano bang sasabihin ko sa kanya.

"Uhmm-- " hindi ko na natuloy pa ng magsalita siya.

"Magtimpla ka ng gatas" napaawang nalang ako sa sinabi niya.

"A--no,?" tanong ko.

"Bingi ka ba, sabi ko magtimpla ka ng gatas." ulit niyang sabi.

"Sinong iinom?" tanong ko.

"Baliw ka ba, malamang ang mga bata" taray niyang sabi.

Akala ko kasi siya ang iinom kasi, sa pag mga bata sa suso ng ina dumedede

"Ah, kala ko kasi ikaw" pagpapalinaw ko.

"Ano bang akala mo sa akin, ako yung bata" sambit niya.

"Di naman sa ganun, kasi ang mga bata kasi-- alam mo na sa suso ng ina dumedede" sabi ko.

"So anong gusto mo, pipilitin ko silang dumede sa akin, kahit wala naman itong laman ganun" taray niyang sabi.

Tama pala, hindi pa pala ganun ka productive ang body niya para magproduce ng  gatas tsaka--

Dumako ang tingin ko sa dibdib niya-- paano naman magkaroon ng gatas ang suso niya kung wala naman siya neto.

Napangiti nalang ako. CUTE.

"Anong ningiti ngiti mo dyan huh, saan ka nakatingin" wika nito tsaka tinakpan ang dibdib, wala naman akong makita.

"Wala may iniisip lang ako." tanging saad ko na lang.

Tumayo ito tsaka tumalikod. "Magtimpla kana dahil maya maya, gigising na sila" saad nito tsaka pumasok na sa kwarto.

Naexcite tuloy ako dahil gigising na sila at makikita ko na rin sila.

Pero pano ba magtimpla ng gatas? Inilagay ko  muna ang maleta sa sala at pumunta sa kusina.

———

"Tapos manang" saad ko. Nagvideo call kami ngayon ni Manang, tinawagan ko kasi siya kanina para humingi ng tulong.

"Pagkatapos mong lagyan ng tatlong scope ng gatas ang babyron, lagyan mo ng kaunting maiinit na tubig." saad niya.

Sinunod ko naman ang inutos niya sa akin.

"Tapos takpan mo, tsaka yugyugin ng maigi" patuloy niya.

Tinakpan ko ang babyron tsaka niyugyog ito.

"Aray--" sambit ko ng tumilapon ang mainit na laman. Tumawa naman si Manang sa nakita.

"Takpan mo ang maliit na butas para hindi lumabas ang laman" utos niya. Sinunod ko naman ito.

Ganun din ang ginawa ko sa isa pang babyron.

"Pagkatapos lagyan mo ng maligamgam na tubig. Hanggang 5 lang" saad niya. Sinunod ko naman ito.

"Tapos tikman mo" dagdag niya.

Napatawa nalang si Manang sa ginawa ko.

"Ano ba yang ginagawa mo" tanong ng matanda.

"Tinitikman" sagot ko. Dinede ko kasi ang baby ron .

"Hindi ganyan--" sambit ni manang.

"Napakawild mo naman Nathan" sambit ni Gerald na kakarating lang sa bahay.

"Hahaha, anong ginagawa mo dito." tanong ko.

"Bakit bawal ba makita ang inaanak ko hu" saad niya.

"Hahaha oo nga naman" sambit ko habang dede padin ng dede.

"Tumigil ka nga" tawang sambit ni Gerald.

"Infairness, masarap ang gatas" wika ko.

"San mas masarap yan o kay Shane" tawang tanong niya.

"Syempre ito wala naman yung dede eh, wala ring laman" tuloy tuloy kong sabi tsaka tumawa.

Kumunot ang ulo ko ng tumahimk si Gerald. Dumako ang tingin niya sa sala, napaawang nalang ako ng makita si Shane na masama ang tingin sa amin.

Patay, di pa nga ako nakabawi, dinagdagan ko pa ang galit niya sa  akin.

--end of chapter 15--

:whatz up mga flat hahaha😂🤣

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now