Chapter 30

1K 12 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 30--

Nang matapos kaming mag usap ni Dad tungkol sa nakaraang deal ay pumunta agad ako sa kwarto.

Baka naboboringan na siya dun, wala siyang makausap at tulog narin ang mga bata.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko nakita si Shane, himbing na himbing parin sa pagtulog ang mga bata sa kama.

Medyo malaki ang kwarto ko na halos isang bahay na ang kalakihan nito. Hinanap ko siya hanggang sa nakarating ako sa secret closet ko.

Tumambad sa akin si Shane na nakatalikod at may hawak na bagay hindi ko masyadong makita dahil natatakpan ito.

"Shane, nandyan ka lang pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Hindi siya kumibo, nakita ko ang pagtaas baba ng balikat niya na senyalis na humihikbi siya sa pag iyak pero pinipigilan niya lang ito.

"Shane, may problema" tanong ko.

"All this time, ginawa mo lahat ng ito para dito" saad niya na ikinalito ko.

Anong ibig niyang sabihin. Ginawa ko ang lahat t ng ito because I love her and she know that, anong gusto niyang iparating.

"Alam mong mahal kita Shane pati narin ang mga bata--" hindi ko na naituloy ng bigla siyang sumingit.

"Talaga lang huh, eh ano to" bigkas nito sabay humarap sa akin.

Nakita ko ang envelope na hawak hawak niya. Paano niya nakita yan, hindi pwedeng makita niya yan, lalong lalo na ang nakalagay sa loob.

"Paano mo--" hindi ko uli natuloy dahil nagsalita siya.

"Hindi na mahalaga kung saan ko to nakuha, ang importante ang laman nito. Paano mo nagawa sa akin to" iyak niyang saad.

"Shane, nagkakamali ka ng iniisip" bigkas ko.

"Nagkamali? malinaw na malinaw ang nakasulat dito Nathan" galit na saad niya.

"Shane, please let me explain" pakiusap ko.

"No. Kaya una palang alam kong napipilitan ka lang sa amin. Hindi mo talaga gusto ang ginagawa mo, ayaw mo talaga sa amin at hindi mo din kami mahal."

"Shane, no hindi yan totoo--" sabi ko habang lumingo lingo pa.

"You don't love me, you just use me para dyan. And that's the truth" saad nito at tinalikuran ako.

"Shane, hayaan mo kasi akong magpaliwanang" habol ko sa kanya.

"No, hindi na kailangan, kasi alam ko na ang totoo" bigkas nito at tumungo sa kama.

"Anong gagawin mo, aalis ka, aalis kayo." sambit ko ng kinuha niya ang isa sa mga bata.

"Oo kaya sana naman wag mo na akong pigilan" galit na sabi nito.

"Manang---" sigaw nito. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok si Manang.

"Manang tulungan mo akong bitbitin ang isa aalis na kami" mahina nitong saad.

"May problema po ba" pa aalalang tanong ni manang pero hindi sumagot si Shane.

"Manang wag, wag mong gawin yan" saad ko kay manang ng bitbitin niya ang isa.

"No, halika na manang alis na tayo" bigkas naman ni Shane.

"Ibaba mo ang isa manang, please." pakiusap ko.

"Hindi, halika na manang aalis na tayo" saad naman ni Shane.

"Ma'am sir" bigkas ni manang . Alam kong nalilito na si manang kong sino ang susundin niya.

"Manang ibigay mo sa akin ang isa" saad ko at kinuha ang isa.

"No manang, kunin mo aalis na ako" wika ni Shane.

"Shane please, just let me explain para malinawagan ka" pakiusap ko.

"Hindi na kailangan, naiintindihan ko na ang lahat." galit na turan nito sa akin.

"Shane, please. Usap naman tayo ayokong mawala kayo" paawa kong sabi.

"Ayaw mong mawala kami dahil baka hindi mo matupad ang gusto mo" tanong nito.

"No Shane, no hindi yan totoo, hayaan mo kasi akong magpaliwanag" pakiusap ko uli.

"Hayaan mo na kaming makaalis kung gusto mo pa magkaroon ng karapatan sa kanila at kung gusto mo pa silang makita"

Dahil sa sinabi ni Shane, natigilan ako. Ayaw kong mangyari yun, dahil sa bandang huli mas may karapatan siya sa bata.

Ibinigay ko kang manang ang isa.

"Shane--" huling saad ko ng umalis sila.

---

Hindi ko lubos akalain na malalaman niya ang bagay nayun. Matagal na yun, ni hindi ko nga pinirmahan ang kasunduan na yun.

It is all my fault hindi kasi ako nag iingat. Hindi ko kasi pinaramdam sa kaniya kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ko sila kailangan.

Ang kasunduan na yun ay tungkol sa past ko. I love my ex so much that's why gumawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin.

Pinalugi ko ang negosyo nila, at walang ibang magsasalba sa kanila kundi ang magpakasal sa akin. Sobrang tuwa ko ng pinirmahan niya ang kasunduan na yun.

Not now. Hindi ko akalain na sarili ko din pala ang gagawa ng dahilan para masaktan ko ang sarili ko.

Nabuntis ang ex ko, kaya hindi natuloy ang kasunduan. Pero nangyari yun dahil mas deserve ko ang iba. Mas deserve ko si Shane kaysa sa kanya.

Siya lang ang nag iisang babae na handang ialay ang lahat para sa akin, siya lang ang nag iisang babae na umiintindi sa akin.

I don't wanna lose her, ayaw kong mangyari yun. Lalo na sa mga bata, ayaw kong tanggalan niya ako ng karapatan sa kanila. Ayaw kong mawala sila sa buhay ko.

I slowly stand up, dahill nandito ako sa sahig ng kwarto kasama ang mga bote ng alak na nakakalat sa kung saan saan.

Medyo nahilo ako ng tumayo, at masakit na rin ang ulo ko. Sa dami ng naimom ko sigurado akong may tama na ako.

But i need to fight this, kailangan kong puntahan si Shane. Para maliwanagan siya sa lahat. Para bumalik sila sa akin.

-- end of chapter 30--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now