--Chapter 14--

1.3K 19 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 14--

Pinagpapawisan na ako sa inakto ni dad ngayon. Hindi ko na alam ang pinagsasabi niya.

"Hindi dapat tayo basta basta maghire ng kung sino lang, alam mo na, maraming masasamang loob." seryosong saad ni Dad.

Actually tama naman si dad. Lalo nat napakacute ng anak namin.

"Magbabakasyon si Manang, busy ang iba, uhmm--" sabi ni papa tsaka nag iisip.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Shane, alam kong pati siya, naguguluhan din.

"Maybe why not Nathan" ngiting saad ni dad tsaka tumingin sa akin.

"Bakit naman po siya, diba siya ang susunod sa yapak mo, malamang busy siya" sambit ni Shane.

"Grabe ka naman hija, hindi pa naman ako ganun ka tanda para hindi na kayang magtrabaho" agad na wika ni daddy.

"Diba dapat kailangan niya ng magtraining para sa pagdating ng araw, he will be ready in handling your companies." sambit uli ni Shane.

"Fast learner naman tong anak ko eh, and besides, nong nakaraang pitong buwan nasa London siya doon siya nagtraining. And sabi ng trainor niya, alam naman niya ang dapat niyang gawin." proud na saad ni dad.

"Kaya ko naman pong mag isa eh" taray na sabi ni Shane tsaka tumingin ng matalim sa akin.

"Hindi pwedeng ikaw lang mag isa, kakapanganak mo palang, and besides inoperahan kapa" sabi ni dad.

Yeah dad was right, hindi siya dapat mahirapan baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Wag kang mag aalala pansamantala lang naman eh, habang naghahanap pa kami" wika ni dad.

Tahimik lang ako habang nag uusap sila. Umiiwas ako ng tingin sa twing magtatagpo ang mata namin ni Shane.

"Ok po, pakibilisan nalang po ang paghahanap" taray nito.

"Oo naman hija--" sambit ni dad tsaka nanlaki ang mata ni dad na nakatingin sa akin.

"Hahaha, itong anak ko, magaling to magluto, maglaba, tsaka mag alaga--" sambit niya tsaka  tumingin ng matalim sa akin.

"Diba my son" dagdag niya.

"Po-- ah, hahaha grabe naman kayo dad marunong lang" tanging saad ko na lang.

Tensyonado na ako sa oras na toh, hindi ko nga alam ang sasabihin ko, dagdagan mo pa ang matatalim na mata ni Shane na para bang gusto akong patayin.

Pagkatapos ng usapan ay umalis na kami, umuwi muna ako ng bahay para kumuha ng konting gamit tsaka babalik sa bahay ni Shane.

———

"Dad-- " sambit ko kay dad habang nagbabasa ng magazine .

" Yes Nathan" sabi ni dad.

" Gusto ko lang sanang magpasalamat dad sa ginawa niyo kanina. Kung wala po kayo, hindi ko po alam ang gagawin upang makalapit kay Shane." sincere kong saad sa kanya.

"Wala yun anak,  atleast man lang makabawi ako sayo noong hindi kita naalagaan nong bata ka pa" sabi nito at tinigil na ang pagbabasa.

Lumapit ako kay dad tapos umupo sa tabi niya.

"Dad, sorry po" saad ko.

"Sorry for what-- " tanong ni dad.

"Sorry for everything dad, sa mga nagawa kong hindi maganda sayo. "

Mula nong bata pa ako, ngayon lang ulit ako nag sorry kay dad, alam ko namang napakasama ko sa kanya, siya palagi ang sinisisi ko sa nangyari kay mama.

"I understand you Nathan, and besides ako dapat ang magsorry sayo, kasi wala man lang akong nagawa para sa kanya."

"No dad, wala kayong kasalan. Sorry dad" wika ko at niyakap siya.

"Kung nakikita to ng mama mo, tiyak matutuwa yun sayo, kasi bumalik kana sa pagiging good boy" saad ni dad tsaka tumawa ng mahina.

"Sige na, pumunta ka don, hinihintay ka na niya" sambit ni dad tsaka humiwalay sa pagyakap sa akin.

"Ok po dad, una na po ako" saad ko tsaka tumalikod.

"Good luck son" sabi nito.

"Thank you dad" saad ko tsaka ngumiti ng malapad.

Sumakay na ako at pumunta na kina Shane. Alam kong galit pa siya sa akin, pero hindi ako susuko hanggat di niya ako mapapatawad.

--end of chapter 14--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now