Chapter 33

899 13 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 33--

"Sinong tumawag sayo manang" tanong ko matapos maibaba ni manang ang telepono.

"Si Shane po--" sagot niya na ikinatuwa ko.

"Talaga, bakit daw" tanong ko uli.

"Hinahanap ka niya sir--" sagot nito.

Talaga bang hinanap ako ni Shane, gusto niya ba akong makausap. Hindi na ba siya galit sa akin, napatawad na ba niya ako.

"Akala kasi niya na ikaw yung lalaking kanina pa daw umaaligid sa bahay niya" dagdag ni manang.

Ang saya na naramdaman ko napalitan ng pangamba. Sinong lalaki, at bakit umaaligid.

"Sino daw--"

"Hindi ko po alam, pinatay niya na ang linya eh."

Hindi na pangamba ang naramdaman ko, takot na. Sino ang lalaki na sinasabi ni Shane, bakit umaaligid siya sa bahay niya. Baka may gawin siyang masama kay Shane.

Agad akong tumayo at hindi na tinapos ang pagkain.

"Saan po kayo pupunta sir" tanong ni manang.

"Pupuntahan ko si Shane iba kase ang pakiramdam ko manang--"

"Teka manang, pag umabot ng kalahating oras na hindi ako makakatawag sayo. Tumawag ka ng pulis." saad ko

"Yes po sir-- turan ni manang.

Agad akong lumabas sa bahay at pinaharurot ang sasakyan.

Hindi na ako mapakali. Sa lahat ng pagkakataon na kinakabahan ako ng ganito, tama palagi ang iniisip ko. Kaya sana naman mali ang iniisip ko ngayon.

Mas binilisan ko pa ang takbo, medyo malayo pa ang bahay ni Shane, it takes almost 15 minutes kahit mabilis pa ang takbo mo.

And every second, hindi natin alam ang pwedeng mangyari.

Nakarating na ako sa bahay ni Shane. Wala kong nakitang lalaki. Nagulat ako ng bukas ang pinto. Hindi pabaya si Shane, kaya malamang--- wag naman sana.

Agad akong tumungo doon, hindi pa ako nakakalapit narinig ko na ang sigaw ni Shane.

"Nathan--" sigaw niya sa pangalan ko.

Wala na akong inatubili pa, mabilis akong tumakbo papasok. Halos manlisik ang mata ko sa galit ng madatnan ko ang isang lalaking hinahalikan si Shane.

Agad kong sinunggaban ng suntok ang lalaki. Sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko ay tumilapon ito.

"Shane, Shane" tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya sumasagot. Nahimatay siya. Anong ginawa ng lalaking ito sa kanya.

"Anong ginawa mo sa kanya" galit na sigaw ko.

"Easy bro--" saad nito.

Nagulat ako ng makilala ko ang lalaki. Si Michael? Paano niya nagawa ito. Buong akala ko mabait ang taong ito. Kaya una palang hindi ko na siya nagustuhan.

"Paano mo nagawa ito--"

"Pinagkatiwalaan ka niya--" saad ko.

"Alam mo bro, she doesn't deserve you. She's mine bro, akin siya." bigkas nito na mas lalong pinainit ang ulo ko.

Sinuntok ko siya pero nakailag siya, agad niya akong sinuntok sa panga. Halos manghina ako sa ginawa niya.

"Mas lalong hindi ka niya deserve. Look at you, your act like an angel pero ang totoo demonyo kang hayop ka" sigaw ko.

Sinunggaban ko siya ng suntok, sa pangalawang pagkakataon, natamaan ko siya. Kaya wala na akong sinayang na pagkakataon at sinundan ito ng isa pang suntok.

Napahiga siya sa sahig at tumawa na parang demonyo.

"Sa tingin mo ba papayag ako, na maging masaya kayo" bigkas nito at dahang dahan na tumayo.

"Hayop ka" sambit ko.

"Yes, hayop ako, tama ka. Pero tong hayop na to, itong papatay sa yo" saad nito at may kinuha sa likod niya.

"Anong--"

May baril siyang dala na ngayon ay nakatutok sa ulo ko. Paano nalang kaya kung wala ako dito. Baka kung ano na ang kahihinatnan ni Shane.

"Sagabal ka sa aming dalawa, ginawa ko ang lahat pero mas pinili ka niya" galit na sambit nito.

"Kasi demonyo ka" sigaw ko.

"Tanggapin mo nalang bro na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang maramdaman sayo" saad ko na ikinagalit niya.

Itinaas niya baril at kinalabit ito.

*bang*

*bang*

*bang*

tatlong putok ang tumama sa bubong. Narinig ko rin na umiiyak ang mga anak ko.

"Isa pa yang anak niyo eh" sambit nito.

"Subukan mong idamay ang mga anak namin, malilintikan ka sa akin" pagbabanta ko pero tumawa lang siya.

Binalik niya pagtutok sa baril sa ulo ko. Galit na tumingin ito sa akin.

"Kung hindi ko man makuha si Shane, pwes, walang aangkin sa kanya kahit sino man lalong lalo na sayo" galit na bigkas nito at itinutok ang baril kay Shane.

"Baliw ka na ba." sigaw ko.

"Yes, I'm crazy" saad nito.

"Kung may galit ka sa akin, wag mong idamay ang anak namin, lalong lalo na si Shane"

"Bakit naman hindi, hindi mo siya pagmamay ari" saad nito.

"Alam mo kung sino lang ang gumagawa ng bagay na yan, ang mga talunan. TALUNAN KA" diin kong sabi sa dulo.

Sinadya kong sabihin yun para sa akin niya itutok ang baril. Wala akong pakialam kong maiputok man niya iyon sa akin, basta ang mahalaga, walang mangyaring masama sa kanila.

"Ahhh--" sigaw niya. At tama ako, ibinaling niya ang baril sa akin.

"Ayaw na ayaw kong sinabihan ako ng ganun--" sigaw niya.

"Talaga, ang tawagin kang TALUNAN" diin ko uli.

Ikalabit niya na sana ang baril ng marinig namin ang tunog ng mga paparating na mga pulis.

Ibinaling niya ang tingin sa labas, kaya may pagkajataon ako na agawin ang baril. Agad akong lumapit at sinipa siya sa tyan.

Inagaw ko ang baril, pero napakalas niya. Nag agawan kami sa baril. Nagkakasakitan, humiga at halos gumugulong gulong na kami.

*bang*

Mabuti nalang at sa taas uli ito tumama.

*bang*

Mabilis ang pangyayari at hindi ko namalayan na balikat ko na pala ang natamaan. Siniko ko siya ng siniko hanggang sa nabitawan niya ang baril at kinuha ko.

Agad akong lumayo at itinutok sa kanya ang baril. Gusto ko siyang patayin sa ginawa niya kay Shane at sa akin, pero baka magalit si Shane sa gagawin ko.

"Sir Nathan--" tawag sa akin ni Manang.

Nakita ko si manang at ang mga pulis na paparating sa akin.

———

Agad ikinulong si Michael. Mabubulok siya sa kulungan, hindi hindi ko hahayaan na mangyari uli ang pangyayaring ito.

Dinala kami sa ospital. Agad akong ginamot at dinala ni manang ang mga bata sa bahay.

Don ko lang napag alaman na siya pala ang lalaking umaaligid sa kanya. Naghintay siya ng tamang pagkakataon, at dahil sa wala ako, ginawa na niya ang balak niya.

Nilagyan niya ng pampatulog ang cake na ibinigay ni Michael. At balak din nito na gahasain si Shane.

Hinding hindi ko papatawad ang sarili ko kung nangyari man yun.

--end of chapter 33--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now