--Chapter 18--

1.2K 19 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 18--

"May ligpit at hugas ka pang nalalaman huh, matutulog ka lang pala" sambit ko ng makitang himbing na himbing sa pagtulog si Nathan.

Naaawa tuloy ako sa kanya, ang liit liit ng sofa para sa kanya. Lampas ang kanyang mga paa, at nakabaluktot pa ang katawan.

Pumasok na ako sa kwarto at natulog na rin.

———

Nagising ako sa pagkakatulog ng tumama ang sikat ng araw sa aking mukha.

Tumayo ako at tiningnan ang dalawang anghel na natutulog pa rin.

Inayos ko ang higaan at pumunta sa sala. Nakita ko si Nathan na kakagising din. He stretched his body and face me.

Napaawang nalang ako ng dumako ang tingin ko sa ibaba. So theres a big thing behind that sexy short.

"Staring is a rude Shane" he said and smile. Agad kong inalis ang tingin sa ibaba.

"Normal lang yan sa amin Shane, lalo na pag umaga. Hindi lang naman kami ang tumatayo at nag uunat ng katawan, pati din ang alaga namin" dagdag niya at ngumiti ng pilyo.

"Magluto kana nagugutom na ako" saad ko at tumalikod na.

"As you wish my darling" sabi nya at tumawa ng mahina. Umagang umaga ng bwibwisit.

Kumunot ang noo ko ng may naamoy akong hindi maganda. Inamoy ko kilikili ko hindi naman.

Sinundan ko ang amoy hanggang sa makarating ako sa pwet ni baby Sky.

"Naku, puno na pala diaper mo." sabi ko at kinuha siya.

"Naks naman, nagkalat ka pa sa higaan" dagdag ko ng makita kong may mantsa ang bedsheet.

Natawa nalang ako sa naiisip ko. Ano kaya ang reaksyon ni Nathan pag siya ang pinalaba ko nito.

"Nathan halika nga" tawag ko sa kanya. Agad naman itong pumunta sa kwarto.

"Labhan mo to" utos ko sa kanya at tinuro ang bedsheet.

"Bakit hindi pa naman madumi ha" tanong niya.

"Hindi mo nakikita, may bahid ng mantsa kaya labhan mo" taray kong sabi sa kanya.

"Anong mantsa ba yan" tanong niya. Nakakabwisit talaga, tanong ng tanong.

"Puno na ang diaper ni baby Sky, tumagos ang tae niya." paliwanag ko.

"A--no? Tae" utal niyang tanong.

"Bingi ka ba ha" galit kong turan.

"Bakit ako ang manglalaba, dapat ikaw." sambit niya sa akin.

"Sige ako ang manglalaba pero ikaw ang magbibihis kay Baby Sky." turan ko.

"Oo sige" agad niyang sabi

"Ok" sabi ko tsaka tumawa ng malakas. Nakita ko namang kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

Sige ikaw ang magpupunas ng pwet ni Baby Sky na puno ng malalagkit na tae. Hahaha tawa ko sa isip ko tsaka kinuha ang bedsheet at umalis na.

"Shane......" sigaw niya. Tawa nalang ako ng tawa. Alam kong diring diri na siya sa nakikita niya.

"Bahala ka panindigan mo yan. Hahahah" sigaw ko pabalik tsaka tumawa.

"Shane, nakakadiri" sigaw niya uli. Pumunta na ako sa kwarto baka sa kakasigaw niya, magising pa ang isa.

"Bakit ba, sigaw ka ng sigaw" galit kong sabi.

"Shane, ako nalang maglalaba" saad niya.

"Ngayon pa na natapos ko na" taray kong sabi.

"Sige na, please" pagmamakaawa niya na nakapout pa.

"Tutal, puno na din ang diaper ni Baby Sunshine, ako na lang sa kanya tapos ikaw kay Baby Sky" turan ko.

"Ok sige, turuan mo ako" aniya.

Kinuha ko ang wipes sa cabinet, tinuruan ko siya kong pano magpunas ng pwet sa bata at kung paano suotin ang diaper.

Tama pala papa niya, hes a fast learner. Natutuwa ako na pinandigan niya ang pagiging ama sa mga bata.

Kahit papaano nabawasan ang galit ko sa kanya. Sana tuloy tuloy na ang ganito. Sana walang dahilan upang magkagalit pa kami.

--chapter 18--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now