Chapter 38

880 12 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 38--

Araw na ng pag alis ni Nathan ngayon. Ngayon palang na iniisip ko na nakaalis na siya hindi ko na kaya.

Hindi ko alam pero hindi ko kayang sabihin sa kanya na ayaw ko siyang umalis, na ayaw niya akong iwan. Gusto ko siyang pigilan, pero hindi ko magawa.

Gusto ko siyang tawagan para sabihin sa kanya na wag na siyang tumuloy, pero hindi ko alam kung bakit di ko magawa.

"Sabihin mo lang na mamimiss mo ako, promise hindi ako tutuloy" naalala kong sinabi ni Nathan nung nag usap kami about sa pag alis niya.

Hindi ko kaya ang ganun ka tagal. Mas mabuting magtapat na ako sakanya. Mahal na mahal ko si Nathan at kailangan ko siya.

Agad kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Manang baka sakaling nasa bahay pa siya.

"Wala napo ma'am, kakaalis lang niya kanina" sagot ni Manang.

Huli na ako. Pero hindi ako papayag, alam kong hinihjntay ni Nathan ang tawag ko para pigilan siya.

I try to text him pero hindi siya nagrereply. I try to call him pero out of coverage.

Im too late. Baka naka alis na siya. Iniwan na niya ako.

Nag unahan na ang mga luha ko sa pagpatak.

This is all my fault, kasalanan ko to lahat. Kung sana sinabi ko na sa kanya noon na mahal ko siya, kung pinigilan ko lang sana siya noon, edi sana hindi na siya umalis pa.

Hinayaan ko siyang iwan ako. Paano na ako ngayon, anong gagawin ko.

Pero hindi pa din ako nawalan ng pag asa. I know Nathan love me, alam kong hindi niya din kayang iwan ako.

Bakit naman hindi, bakit naman siya magstay sa akin kung pinapalayo ko siya diba.

I just sit in the bed habang tinitingnan ang anak namin.

"Sorry mga baby ko, duwag si mama eh--" sambit ko sa kanila.

Yes, duwag nga siguro ako. I'm scared to tell him that i love him and i need him. Takot ako na mahalin siya, its because he hurt me at first.

Pero bumawi siya, at ipinakita niya na karapat dapat siyang bigyan ng pagkakataon. That he deserve my forgiveness. And he show his love for me.

"-- Bakit din naman kasi umabot ng ganun ka tagal" dagdag ko.

"Importante eh."sagot sa aking isipan.

"Mas importante pa yung trabaho mo kaysa sa amin" sambit ko.

"Mas importante kayo kaysa don" sagot uli nito.

"Bakit ka umalis?" tanong ko .

"Hindi naman ako umalis huh" sagot uli nito.

"Anong hindi ka uma--" hindi ko na natapos ang sasabihin ng may biglang nagsalita.

"I love you Shane"

I thought those words are came from my mind. Akala ko nag iimagine lang ako. But not, those voice was real.

I slowly turn, hoping that it was true. Then I saw Nathan with a big smile.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tsk. Kunwari ka pa, eh, umiiyak ka na"

"Hindi kaya"

"Hayst. Bakit ba ang hilig mong magkunwari"

"Anong pinagsasabi mo"

"Kunwari hindi ka concern, kunwari hindi mo ako mahal, kunwari gusto mo akong umalis pero di naman"

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now