--Chapter 27--

1K 15 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 27--

Hiyang hiya na ako kay Shane, wala na akong ginawang tama sa kaniya. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko.

Masyado akong nagmadali, masyado akong naging kampante, dapat hindi ko ginawa ang bagay na iyon, dapat hindi ko siya binigla.

Binigyan na niya ako ng chance para bumawi. Imbes na gumawa ako ng mabuti, binigyan ko siya ng dahilan para bawiin lahat ng tiwakang binigay niya sa akin.

Ang sama sama ko, alam kong galit pa si Shane sa akin, alam kong dahil sa ginawa ko, madagdagan na naman nag galit nito sa akin.

Hindi ko maiwasang maluha habang pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi pa din ako nagbabago, tarantado parin ako.

Dapat munang hindi kami magsama para makapag adjust siya.

Mabilis paring tumulo ang mga luha ko, halos hindi ko na nakikita ang daan. Medyo maulan ulan.

Nanglabo ang mga mata ko dahil sa aking mga luha, agad ko itong pinawi.

Ganun nalang ako nagulat ng biglang sumulpot ang isang sasakyan. Pero bago pa man ito bumangga sa akin, agad kong iniliko ang aking sasakyan.

Nagpagewang gewang ako ganun narin ang nakasalubong kong sasakyan. Bumangga ako sa isang poste.

Agad akong lumabas sa kotse, dugaan at halos hindi maigalaw ang katawan. Tiningnan ko ang dalawang lalaking papalapit sa akin.

Puno ng galit ang mga mukha nila.

"Ano bang problema mo" sigaw ng isang lalaking halos manlisik na ang mga mata sa sobrang galit.

"Sorry bro, hindi ko sinasadya" saad ko.

"Anong hindi, kung gusto mong magpakamatay wag mo kaming idamay" bulyaw ng isa.

"Pasensya na talaga bro" wika ko sa kanila.

"Tingnan mo ang ginawa mo, basag ang kotse namin" bigkas niya.

"Bakit pareha lang naman tayo ah" bulyaw ko. Akala mo napakamahal ng kotse nila.

"Pasensya na" dagdag ko at tumalikod na.

Agad nila akong tinulak at pinagsusuntok. Hindi ako makalaban dahil sa hirap akong maigalaw ang katawan ko.

"Bastos ka" bulyaw ng isa habang pinagsisipa ang tiyan ko.

Ang isa naman halos papatayin ako sa sobrang lakas ng pagsuntok niya sa mukha ko.

Hindi na ako lumaban pa, hinayaan ko silang gawin kung ano man gusto nilang gawin sa akin.

Pinagtutulungan nila ako. Bumubulwak na rin ako ng dugo at alam kong puno ng sugat ang buo kong mukha.

Bigla nalang may isang kotse ang huminto, iniluwal nito ang tatlong lalaki.

Habang papalapit sila, unti unti ko silang nakilala. Si manong pala at si Gerald kasama ang kapatid nito na si Andrew.

"Tigil niyo yan" sigaw ni Gerald. Pero hindi umawat ang dalawa.

Salamat naman at dumating sila. Pero bakit alam nila na nandito ako.

Agad na sinuggaban ng dalawa ng lalaking nanuntok sa akin. At sinunod naman nila ang isa pa.

Wala akong makita dahil nanlabo sng mga mata ko, pero rinig na rinig ko ang bulyawan at mga suntok nila.

At maya maya pa bigla nalang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang susuno na nangyari.

--end of chapter 27--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now