--Chapter 4--

1.5K 20 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 4--

Wala akong ibang ginawa buong linggo, kundi ang umiyak ng umiyak, nagsisisi, nag iisip kong bakit nila Ako iniwan.

"Tama na yan, Hindi yan mabuti sa anak mo" sabi ni tita habang pahid pahid ang likod ko.

"Tita, ganun na ba ako kasamang anak?" tanong ko Kay tita.

"Lahat tayo nagkakamali, ang dapat mong gawin ngayon ay magpalakas para sa magiging anak mo." mahinahong sabi ni tita.

Tama si Tita, kailangan kong magpakatatag para sa anak ko, ayaw kong ipakita sa kanya
na wala akong kwentang ina.

———

"Tita, lumaban po kayo, wag niyo po akong iwan" kanina pa ko umiiyak sa harap niya habang hawak ang mga kamay niya.

Nag aagaw buhay si Tita sa ospital dahil sa sakit na breasts cancer. Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol dito. At stage 4 na ito.

"Tita, wag niyo naman po akong iwan. Ayaw kong pong mapag isa" sabi ko.

"Pasensya kana Shane, pagod na pagod na ako." mahinang wika ni Tita.

"Tita naman Eh, pano na ako. Wag niyo po akong iwan" pagmamakaawa ko Kay Tita.

Namumutla na siya at bakas sa mukha niya na pagod na siya. Pero kailangan niyang lumaban.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko Kung pati siya mawawala sa akin.

Sabi ng doktor wala na daw silang magagawa, kung pinagamot niya daw ito ng maaga, Maaari pa siyang makasurvive.

Tinanggal na din lahat ng mga instrumento at oxygen na kinabit sa katawan niya.

Mayamaya pa ay humugot ito ng malalim na hininga at tsaka binuga, yun na pala ang huling hininga niya bago bawian ng buhay.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Pumunta ang doktor para hindi I recover si Tita.

"Time of death 10:23" sabi ng doktor. Tinapik PA ako sa balikat bago tumalikod.

———

Matapos siyang mapalibing ay tumungo na ako sa bahay niya. Nagluluksa Ako nag mag isa.

Tinawagan ko din sila mama pero hindi ko na ito macontact. Pati sa social media ay wala rin.

Konting pera lang ang meron ako, paano na sa susunod na mga araw, sa kabuwanan ko. Mga gamit ni baby at iba PA. San ako kukuha ng panggastos.

Ganito na ba ako kasama para parusahan ng ganito. Pinagsisihan ko naman ang nangyari sa akin. Humingi naman ako ng tawad sa pamilya ko.

Pero bakit ganito, doble doble PA ang paghihirap na dinanas ko.

Wala na akong pagpipilian pa, pupuntahan ko si Nathan at humingi ng tulong. Kung Hindi niya ako pagbibigyan, sa daddy niya na lang Ako hihingi.

Bahala na, kailangan kong lumaban para sa aming Dalawa. Ala alang sa anak ko, kakayanin ko ang lahat.

--end of chapter 4--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now