Chapter 41

882 11 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRE GANGSTER

--chapter 41--

"Shane please, lumaban ka" iyak kong saad kay Shane habang yakap yakap ito.

"Nathan--" mahina nitong saad.

"Wag ka munang magsalita, just save your breath" bigkas ko.

Magbabayad si Michael kung may mangyari mang masama kay Shane. Napakahayop niya, napakamakasarili.

Mas gugustuhin niyang mamatay nalang si Shane, kayasa mapunta siya sa iba.

Takot ako na maulit muli ang nangyari noon. Takot na akong mawalan ng babaeng mahal ko. Ayaw kong magaya siya kay mama.

Hindi ko kakayanin pagnawala si Shane, kailangan ko pa siya, kailangan pa siya nang anak namin at kailangan pa siya ng pamilya niya.

Maya maya dumating na ang ambulansya. Agad nilang inaasikaso si Shane. Habang ang iba naman ay kay Michael.

At habang nagbyabyahe kami papuntang ospital, ginagamot din nila ang tama ko sa balikat.

Pareho silang dinala sa ospital.

"Shane, lumaban ka" pakiusap ko habang hawak ang mga kamay nito.

Mabilis na isinugod siya sa operating room.

"Shane, wag mo akong iwan please"

"Mahal na mahal kita"

"Kailangan ka pa namin lahat"

Yan ang mga sinabi ko bago tuluyang nakaabot sa labas ng operating room.

"Pasensya na po sir, pero hanggang dito lang po muna kayo" saad sa akin ng isang nurse, tumango nalang ako bilang pag sang ayon.

Ipinasok na nila si Shane. Pero bago paman yun, nakita ko pang ngumiti si Shane sa akin bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.

Sinirado na nila ang pinto at nagsimula na nilang operahan si Shane. Habang ako nandito sa labas habang hindi mapakali.

Tinitingnan ko rin sila sa maliit na salamin sa pinto. Medyo kinabahan ako dahil lumingo lingo pa ang isang doktor.

"Nathan" sigaw sa akin.

Nakita ko ang pamilya ni Shane na halos lakad takbo papunta sa akin.

"Nasaan si Shane. Ok lang ba siya" tanong sa akin ng mama ni Shane.

"May tama po siya sa likod at inooperhan pa po siya" sagot ko.

"Naku po diyos ko" saad niya.

"Pasensya napo kayo, hindi ko po naprotektahan ang anak niyo gaya ng sinabi ko" mahina kong sambit sa kanila .

"Hindi kami galit sayo. Kailangan mo munang magpahinga, may tama ka rin sa balikat" pag aalala nito sa akin.

"Ok lang po ako" saad ko.

"Nathan" tawag sa akin ni Gerald.

"Successful ang operation kay Michael ligtas na siya" balita niya sa amin.

"Wala kaming pakialam sa lalaking yun kahit mamamatay man siya" galit na sigaw ng Mama ni Shane.

"Pagbabayaran niya ang lahat ng ito" usal ko.

Mas mabuting hindi na siya nabuhay pa, dahil sisiguraduhin kong pahihirapan ko siya. At hindi ko siya mapapatawad pag may mangyaring masama man kay Shane.

Halos isang oras na ang lumipas. Pinauwi ko muna ang pamilya ni Shane at sinabing ako nalang ang magbabantay at ibabalita ko kaagad sa kanila ang mangyayari.

Hindi na ako mapakali, ang tagal naman nilang matapos.

Biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang doktor.

"Dok, kumusta po" pag aalala kong tanong.

"As of now, stable na ang kalagayan niya--" saad ng doktor. Salamat naman at ganun.

"Madaming dugo ang nawala sa kanya, pero wag kang mag aalala nasalinan naman namin ito. Ligtas na silang dalawa" dagdag ng doktor.

Anong dalawa ang pinagsasabi niya.

"Ano hong ibig niyong sabihin" naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo pa alam, she's pregnant. Mabuti nalang at hindi natamaan ang baby" sagot ng doktor.

Buntis si Shane. Mabuti nalang at walang nangyaring masama sa kanilang dalawa.

"Sige maiwan ko muna kayo" maalam niya at umalis na.

Salamt naman at nakahinga na ako ng maluwag matapos sabihin ng doktor na ligtas na si Shane at ang baby namin.

"Lakas mo talaga bro. Nasundan agad" biro ni Gerald pero tumawa lang ako.

"Baka kambal uli yan" dagdag nito.

"Grabe ka naman" sambit ko.

Maya maya lumabas ang dalawang nurse na nagcheck kay Shane.

"Pwede na ba namin siyang makita" tanong ko.

"Oo naman po sir, una na po kami" saad nito at umalis na ang dalawa.

Binuksan ko ang pinto, pumasok ako at sumunod naman si Gerald.

Napakatapang talaga ni Shane. Nakayanan niya lahat ng nangyari sa kanya.

Una, tinanggihan ko siya.

Second, iniwan siya ng pamilya niya.

Ngayon lumaban siya para sa amin.

I don't wanna lose her, ayaw ko na siyang pakawalan pa. pangako ko na hindi ko na siya sasaktan pa.

Sana naman ngayong tapos na, matuloy na sana ang kasal namin. Wala na sanang sagabal at pipigil sa pagmamahalan namin.

I kiss her at her forehead.

I promise to her that starting from now, magbabago na ako. Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya ng buo, at maging best dad sa mga anak namin.

"I love you Shane"

———

Pagkatapos non ay pumunta ako sa room ni Michael. Mabuti at gising na siya.

"Napakahayop mo" galit na by gkas ko uabang kinwelyuhan siya.

"Bro stop that" pigil sa akin ni Gerald.

"Wala akong pakialam, papatayin kita" bulyaw ko sa kanya.

"Wag muna ngayon" saad sa akin no Gerald.

Binitawan ko siya at tiningnan ng matalim.

"Oras na makalabas ka sa ospital, sisiguraduhin kong magiging miserable ang buhay mo" pagbabanta ko sa kanya at tumalikod na.

"Sorry Nathan" mahina nitong saad at hinarap siya.

"Kung nagsorry ka dahil hindi natuloy ang kasal namin, wag kang mag aalala, kahit buwan buwan pa kami ikasal walang problema yun--"

"Wag kang magsorry sa akin, kay Shane ka magsorry. Dahil sinira mo ang tiwala niya sayo, tinuring kaniyang kuya, minahal ka niya. Pero anong ginawa mo, muntik muna siyang mamatay." saad ko bago tuluyang umalis.

Ibinalita ko sa pamilya ni Shane na okey na ang kalagayan niya, mas lalo silang natuwa sa sinabi kong buntis si Shane at ligtas naman ito.

Nabalitaan ko rin na wala na si Micheal, matapos itong magsuicide. Pag alis namin mula sa room niya, pumunta siya sa cr at ininom lahat ng mga chemical doon.

Medyo naguguilty ako dahil baga dinamdam niya ng husto ang mga sinabi ko. Pero wala na akong magagawa desisyon niya yun at choice niya na gawin iyon.

--end of chapter 41--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now