--Chapter 28--

1K 14 0
                                    

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 28--

"Matulog ka na maam Shane. Maayos naman daw ang kalagayan ni Nathan" saad ni Manang sa akin.

Halos mag umaga na pero hindi parin ako makatulog ng malaman ko ang nangyari kay Nathan.

Puno ng sugat at pasa ang buong katawan niya. Napaaway daw ito dahil muntik ng magkabanggaan ang sasakyan nila.

Mabuti nalang at dumating si Manong kasama si Gerald at ang kapatid nito. Pati sila ay napaaway din.

Dahil sa akin napahamak siya, at ang iba pa. Baka galit sa akin ang papa niya dahil sa ginawa ko.

Agad pumunta si Manang dito para may kasama ako. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nakikita si Nathan na maayos ang kalagayan.

"Puntahan mo nalang" saad ni manang sa akin na parang alam ang gusto kong mangyari.

Natatakot at nahihiya na ako kay Nathan, sa lahat ng nagawa ko sa kanya at sa palaging sinasaktan ko siya.

Baka galit na siya sa akin, baka ayaw na niya akong makita.

"Sige na maam, kung iniisip niyo man na galit siya sayo, nagkakamali kayo maam" aniya na para bang alam ang tungkol sa nangyari.

"Manang, natatakot ako eh" saad ko.

"Babantayn ko naman ng mabuti ang mga bata" saad ni manang.

"Hindi ganun manang, baka ayaw na niya akong makita" utal ko.

"Bakit naman, baka kapag nandun ka, gagaling agad siya. Kaya puntahan mo na" sambit ni manang .

"At isa pa, wala siyang malay, hindi pa siya gumigising kaya puntahan mo na" bigkas ni manang.

Hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita, kaya habang tulog pa siya, pupunta ako.

"Sige manang" wika ko na ikinatuwa niya.

"Sige ako na bahala sa anak mo" saad niya.

Agad akong nagbihis at pumunta sa bahay nila dahil dun siya dinala.

———

Halos manlumo ako ng makita ko ang itsura ni Nathan. Halos mapuno na ng pasa ang buong mukha niya.

Kaya hindi ko mapigilang mapaiyak sa nakita. Pinagsisihan ang sarili sa nangyari.

Gusto lang naman niyang makabawi sa akin at sa mga anak namin. Gusto lang naman niyang magkaayos kami.

Pero bakit napakahirap para sa akin iyon. Umupo ako at hinawakan ang kamay ni Nathan at yumuko.

"Ang sama ko talaga. Nakakainis" mahina kong bigkas habang patuloy parin sa pag iyak.

"Sorry talaga, sorry hindi ko sinasadya" dagdag ko.

Naramdaman ko na lang ang kamay nito na hinahaplos ang aking buhok. Akala ko ba nahimatay siya.

Pinunasan ko ang aking mga luha dahil ayaw kong humarap sa kanya na ganito ang itsura ko.

"Akala ko ba, nahimatay ka" bigkas ko pero ngumiti lang siya.

"Kung hindi ba sinabi ni Manang na nahimatay hindi mo ako pupuntahan dito" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Kaya pala ganun na lamang ang ngiti ni manang ng sabihin kong pupunta ako dahil plinano nila ito.

"Tsk. Sinungaling ka" saad ko pero tumawa lang siya.

"Kaya lang naman ako nagsinungaling para masolo kita" bigkas niya.

Ano bang ibig niyang sabihin.

"Sorry--" mahina niyang utal.

"Hindi ako dapat magsorry sa nagawa ko" saad ko.

"Alam kong nabigla ka don" saad niya.

"Ikaw kasi--" bigkas ko.

"Bakit masyado lang ba ako naging mabilis" tanong niya at bumangon.

"Anong ibig mong sabihin" tanong ko ng biglang umiba ang ekspresyon nito sa mukha.

"Uhmm-" utal ko ng bigla niya akong sunggaban ng halik.

Ito pala ang ibig niyang sabihin na masolo at kaya pala sa bahay siya dinala at hindi sa ospital.

Pero kahit ano pa man yun, this time i want to follow my heart.

Hindi parin niya tinigil ang paghalik sa akin habang pinapahiga ako sa kama.

"Shane, I love you and that is true" bigkas niya.

I just smile at him. And then he kissed me again with full of love.

--end of chapter 28--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now