--Chapter 23--

1K 20 0
                                    


GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTER

--chapter 23--

Disclaimer: wala po akong masyadong alam pagdating sa mga sakit. Kaya hihihi, intindihin niyo nalang, pero mukhang tama naman yata ang sinulat ko. Enjoy reading.

Nathan stays with me after makalabas si baby Sky sa ospital. Were getting back to normal.

Kung ano man kami nung simula, mas nakilala pa namin ang isat isa ngayon.

"Darating ba ang papa mo?" tanong ko kay Nathan. May kumatok kasi sa pinto.

"No why?" balik na tanong niya. 

Sino naman ang bibisita sa amin, kung hindi si Sir Kier, maybe kaibigan, or si Gerald.

Binuksan ko ang pinto. Then I saw my sister, my mom and my dad na ngayon ay kalong kalong ng wheelchair.

Tumulo bigla ang mga luha ko, ang payat na ni dad, bakit nagkaganyan si papa, anong ginawa nila sa ibang bansa.

"Pa, ma, Sheila, nandito kayo" sabi ko na ngayon ay hindi parin makapaniwala.

"Shane, anak sorry" saad ni mama habang hawak ang dalawa kong kamay.

Nandito kami ngayon sa sala.

"Patawarin mo kami, patawarin mo ako sa nagawa ko" wika ni mama na ngayon ay umiiyak na.

Ni kailan man hindi ako galit sa kanila. Ni kailan man hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila.

They are my parents, they are my family. Kung ano man ang nagawa nila sa akin, kung iniwan man nila ako, its all because of me.

"No mama, hindi po ako galit sa inyo, hindi po kailanman" saad ko at niyakap si mama.

"Pa, ano pong nangyari sa inyo. Bakit ganyan na kayo" luha luha kong tanong kay papa.

"Hindi na kaya pang magsalita ang papa mo, na stroke siya" saad ni mama.

Why? Ang lakas lakas ni papa, wala siyang sakit nung nandito pa siya at ang bata bata pa niya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Nak, Shane, were very sorry for leaving you. Iniwan ka namin hindi dahil sa galit namin sayo." saad ni mama. Kung hindi ako, sino.

"Iniwan ka namin, dahil sa sakit ng papa mo" dagdag ni mama.

" Ano po? May Sakit si papa?. Bakit? Ano?" sunod sunod kong tanong.

"Youre dad has a blood clut sa brain niya, and it needed a highly professional doctor ang specialists kaya kami nagtungo sa america" sagot ni mama.

After all this time, tinago nila yun sa akin?

"Without even telling me?"malungkot kong tanong.

"Nak, ayaw ka naming mag aalala, dahil alam naming malulungkot ka, ayaw namin ma stress ka dahil masama yun sa apo namin" mahinahong bigkas ni mama.

"Ma kahit na, karapatan kong malaman ang totoo, pano pag may nangyaring masama kay papa, napakablind ko sa nangyayari sa kanya"
sambit ko.

"Sorry Shane, pero ayos naman ang lahat--

--"Shane, anak, patawarin mo ako, patawad dahil pinalayas kita. Hindi ko intensyon na gawin yun sayo. Pero iyon ang mabuti, para hindi mo malaman ang nangyari sa papa mo" deretsong saad ni mama.

They all did this for me. Everything happen for a reason, and this is the reason kung bakit nangyari sa akin ang lahat ng ito.

"Ma, pa mahal na mahal ko po kayo, matagal na po kayong pinatawad" saad ko.

I hug my mom and dad very tight. It almost one year when they left me. I miss them so much.

"Ako ba, hindi mo ako namiss ate" saad ni Shiela na nakanguso pa.

"Halika ka nga dito, bunso namin" ngiti kong saad. Ngumiti din ito at lumapit sa amin.

Naggroup hug kami. Habang nagkayakapan kami, dumako ang tingin ko kay Nathan, na ngayon ay malapad ang ngiti habang pinagmamasdan kami.

"Tama na nga to, ma, ate, gusto ko na makita pamangkin ko" gigil na saad nu Shiela.

"Oo nga, ako muna una hahawak ha" wika ni mama.

"Ako muna, ako unang nagsabi" sambit naman ni Shiela.

"Apo ko sila kaya ako ang mauna" bigkas uli ni mama.

"Kahit na ako pari--"

"Wag kayong mag aalala, kambal po sila ma" singit ko.

Nanlaki naman ang mata ng dalawa na hindi makapaniwala sa narinig.

"Totoo?" tanong ni Shiela. Tumango lang ako bilang tugon.

"We, di nga" saad niya.

Pumunta ako sa kwarto, sinenyasan ko naman si Nathan na sumunod sa akin. Kinuha namin isa isa ang bata, at binigay kay mama at Shiela.

Masayang masaya ako ngayong araw na ito. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Pero isa lang gusto ko, sana magtuloy tuloy nato.

Ok na ang pamilya ko at sana, kung ano man kami ni Nathan
.
.
.
.
.
.
.
.
Sana maging ok din kami.

--end of chapter 23--

GETTING PREGNANT BY A BILLIONAIRES GANGSTERWhere stories live. Discover now