Twelve

12.3K 535 53
                                    

Chapter 12

Yvan

"You know what, we should celebrate."

We're still here in my office. It's near lunchtime already but I still need to finish signing some papers. Si Jao naman ay inaaliw ang sarili. He'll talk to me about random things but when I stare at him coldly, he'll immediately shut up. Nakahiga lang ito sa sofa at nakatingin sa kisame habang nilalaro ang kanyang mga paa while humming.

"Para saan?," tanong ko. Sa wakas ay natapos narin ako. Itinabi ko na ang mga papel sa table ko at ilingon si Jao na nakatingin na sa akin, ganoon parin ang posisyon.

"For the success. Punta tayong mall," aniya. Napaiwas ako ng tingin nang marinig ang suhestiyon nito. I swallowed hard and felt shy to look at him.

"I never went to a mall..." I softly said. I heard him exclaimed that made me turn to him only to see him looking at me with mouth half-opened.

"Hindi nga?! Even once?!"

"Eleven years old yata ako noong huli kong punta sa mall," pag-amin ko sa kanya. I cleared my throat. "The mall's crowded. I might pass out the moment I step in there," dagdag ko pa.

"But today's different. Let's go there!" Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya na agad na tumayo at handa ng umalis. Baliw ba siya?

"What? No!," pagtanggi ko.

"Let's continue what we started. Pupunta tayo roon para ay masanay ka na makihalubilo sa mga tao. It will be a good start for you. I'll be there," kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa huli niyang sinabi ngunit may parte para sa akin ang nag-aalangan dahil sa posibleng mangyari. What if I can't do it? What the fuck will happen? That would be embarrassing if ever I'll panic in front of a crowd. "Stop overthinking. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Kasi ako may tiwala ako sayo," I stared at Jao looking at me while a proud smile's plastered on his lips. Wala akong ideya kung bakit gumaan ang loob ko sa sinabi nito at lumakas din ang loob ko na makakaya ko.

In the end, I agreed.

"Sige."

"Hindi mo talaga ako matiis," ngumisi ito sa akin ngunit malamig ko lang itong tiningnan.

Sabay kaming bumaba dalawa at sumakay sa kanyang kotse. He's the one driving while I stayed silent during the whole ride, thinking what might happen after we get there. After 15 minutes of driving we arrived at the mall. Jao parked the car inside the mall's parking lot. Nang maparada na niya ang sasakyan ay hindi ako agad bumaba dahilan para tingnan ako nito.

"You okay?," may pag-aalalang tanong nito.

I nodded at him.

Lumabas na ako sa kotse at sumunod naman agad si Jao sa akin.

"We can hold hands if you want to, para hindi ka mawala sa tabi ko."

I stilled after what he said. He shamelessly told me that which made me gave him a glare.

"Or not," bawi niya at naunang maglakad. Tinago ko nalang ang pagharumintado ng puso ko dahil sa sinabi nito. Mas naapektuhan pa yata ako sa sinabi niya kesa sa sitwasyon ko ngayon. How the fuck can he handle teasing me like that? Hindi man lang ba siya kinikilabutan?

Napailing nalang ako. Hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano. Ang dapat kong isipin ay ang lugar kung nasaan ako ngayon. Naunang pumasok si Jao sa loob ng mall and I immediately followed. When I already entered the mall, I literally froze at my place.

I was overwhelmed when I saw people walking here and there. Walang iisang direksyon ang nilalakad nila. May mga bata, babae, matatanda at mga lalaki. The mall's bright and spacious but the people inside are suffocating me.

Treatment (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now