Twenty-five

11.9K 436 61
                                    

Chapter 25

Jao

"Okay ka lang ba?"

Nagising ako kaninang tanghali matapos maglasing kagabi at tumungo rito sa University nang wala sa sarili. My head's aching not because of the alcohol I drunk last night but because of the vivid memory that I did that night.

I can clearly remember what I did and said. Natutunganga nalang ako dahil sa alaalang iyon. At moments like this, I always hope that I forget things I did when I'm drunk. Nakakainis lang dahil lumalakas ang loob ko tuwing lasing kaya't nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko man lang pinag-iisipan ng maayos. Ang mas malala pa ay naaalala ko ito kinabukasan kaya hindi ko nagagamit ang rason na "hindi ko alam ang sinasabi mo" o "lasing ako, wala akong maalala".

Fuck this is so embarrassing!

"Earth to Jao!"

I blinked my eyes when Sera snap her fingers in front of my face. Inangat ko ang aking paningin sa kanya at nagsalubong ang kilay.

"What?"

Tinaasan ako nito ng kilay at sumandal sa inuupuan kaharap ng table ko.

"You're spacing out. Kanina pa kita kinakausap, ayos ka lang ba?," may bahid ng pag-alala niyang tanong.

I nodded at her. "Ayos lang ako," sagot ko. "Bakit ka nga pala nandito?," tanong ko sa kanya.

Sera stared at me for a while so I raised one of my eyebrows at her and stared back. She rolled her eyes at me and sighed loudly.

"I want to invite you to a party two days from now. It's a party with our close friends, sa bahay ko ang venue," sagot nito sa akin nang may ngiti sa mga labi.

"Anong meron? Hindi mo pa naman birthday ah?"

"You'll see tomorrow. Basta pupunta ka ah?," pagpupumilit nito sa akin. I tsked at her and nodded.

"As if I have a choice. Sige, text mo nalang ang detalye sa akin."

Sera didn't stayed longer dahil may duty pa ito. Agad na itong umalis at ako naman ay nagpatuloy nalang sa trabaho.

O kung trabaho ba talaga itong matatawag.

"Doc, gamot po sa lagnat hindi diarrhea."

"D-Doc why are you using cotton and not a cloth? Hindi po maipupunas sa buong katawan 'yan."

"Doc, saan ko isusulat ang information ko?"

"Doc, okay lang po ba kayo?"

My head fell down on the table in frustration. I breathe deeply and then exhaled loudly. This day caused so much exhaustion on me.

Buong araw akong wala sa sarili at hindi makapokus. Hindi naging maayos ang trabaho ko ngayong araw na ito, dapat yata ay lumiban nalang muna ako. Mabuti nalang at day-off ko bukas kaya't makakapagpahinga ako.

Inangat ko ang aking sarili at sumandal sa upuan. I sighed and stared blankly at space. Napalingon ako sa phone ko na nasa gilid. Patapos na ang araw ngunit walang mensahe mula kay Yvan. Hindi ito tumawag o nagtext man lang.

Wala lang ba sa kanya ang ginawa ko noong lasing ako? Wala lang ba sa kanya ang sinabi ko? Ibig sabihin kaya noon ay nakalimot na siya? Pwede rin naman kasi na sinabayan niya lang ako nang gabing iyon dahil alam niyang lasing ako. It's not as if it was my first time doing that. In fact, I've done worse than that.

The kiss...

I unconsciously touched my lip with my fingers when I remembered that night that we kiss. It was also the last time that I saw him.

Treatment (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon