Twenty

11.2K 483 44
                                    

Chapter 20

Jao

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong pumunta si Yvan sa akin at inamin ang nararamdaman niya. Tatlong araw ko na rin itong hindi nakikita. Tatlong araw na akong walang balita sa kanya. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho at gawin ang mga inuutos ni Top sa akin. Namamasyal din kami ni Hydra at kadalasan siya ang kasama ko. Just like today, nasa mall kami at sinasamahan ko siyang mamili.

This is the mall where I took Yvan.

Iwinaksi ko sa utak ang alaalang iyon at sinundan si Hydra papasok sa isang store na may mga tindang desserts.

"Bibili ka?," tanong ko sa kanya habang abala itong tumitingin sa mga cakes na naka-display doon. She looked at me and nodded.

"Yeah. I am planning to take it on the mansion. Libre ko para sa lahat," she answered smiling. Napatango ako sa kanya at umikot para tumingin ng iba pang mga tinda nila.

I am looking at their displayed desserts when I stopped at a particular place. Nakayuko ako at pinagmamasdan ang mga iyon.

"Ice cream, chocolate flavor. That's his comfort food."

"Eat up. Binili ko para sayo."

"Thanks."

Natigilan ako dahil sa naalala. I instantly remembered him the moment I saw these ice creams. That day when I found out his comfort food. That day when I bought him ice cream. My eyes are glued on a chocolate flavor ice cream.

The image of Yvan flashed in my mind. When I ate the ice cream on his spoon. Our faces are inches apart and we're both looking at each other's eyes. I remembered how he blushed that moment and how I found him cute and adorable. Now that I remembered it, I just found myself blushing to the memory.

That was when everything's fine between the both of us.

"Jao."

Lumingon ako sa likuran nang tawagin ako ni Hydra. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya na agad ko namang ginawa. I stand beside her and asked.

"What is it?"

"Look at that one," she pointed out. Sinundan ko ang tinuturo niya at nakita ang isang chocolate cake na may mga biscuits sa ibabaw, I read the card below and it says chocolate cake with oreos on top. "Sa tingin mo magugustuhan 'yan ni Top?," she asked while still looking at the cake.

I stilled at her question while also looking at the cake. Napalunok ako at pinakalma ang sarili. She's unconsciously hurting me. Sometimes, Hydra's insensitive when we're together. Sa mga oras na magkasama kami hindi niya naiiwasang nababanggit ang pangalan ni Top. Minsan ay naaala niya si Top sa isang bagay at sa huli nagkekwento siya tungkol dito.

I internally scoffed and pitied myself. Of course Top would like this cake. Paborito nito ang chocolate. All this time, she's still thinking of that man. Kahit ako ang kasama niya. Kahit ako ang nandito ngayon. Kahit alam niyang may gusto ako sa kanya.

"Paborito niya 'yan. He'll like it," I looked at Hydra and hid the pain with a smile. Sandali ako nitong tiningnan at pagkatapos ay tumango at nag-iwas.

"Miss, isang order nito."

Hinayaan ko na siyang bilhin iyon at nauna ng lumabas sa store. Hinintay ko siya sa labas habang tumitingin sa paligid. Marami ang tao ngayon sa mall dahil weekend kaya't sinigurado ko na makikita agad ako ni Hydra pagkalabas niya.

I was roaming my gaze around when my eyes stopped to a familiar built of a man. Nakatalikod ito sa akin ngunit hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko siya kahit nakatalikod. Wala sa sariling mabilis akong naglakad at lumapit sa nakatalikod na lalaki. I stopped when I was already near him. I was about to call his name when he suddenly turned around and faced me.

Treatment (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now