Twenty-nine

11.5K 450 32
                                    

Chapter 29

Jao

"We got no any sign of suspicious activities Mr. Grande's doing, boss. He looks decent to me and professional. He looks plain honestly. Nasa bahay niya kami bago mo kami pinabalik dito."

After the small introduction of Yvan as our new member, pinatawag kaming dalawa ni Hydra ni Top dito sa opisina niya para magbigay ng report tungkol sa pinatrabaho niya sa amin. Si Yvan naman ay inihabilin niya kay Joann para ipasyal sa mansyon at dalhin ito sa magiging opisina niya.

Sa totoo lang, hindi parin ako makapaniwala at hindi parin pumapasok sa isipan ko ang katotohanan na kasali na sa amin si Yvan. I am not expecting this at all.

"Any person can be suspicious. The innocent looking ones are the most deceiving. Lahat tayo may tinatagong sikreto na hindi inaasahan ng ibang tao. Right, Jao?," Top raised his eyebrow at me, waiting for me to answer. I gulped and nodded.

"Y-Yes boss," sagot ko. Fuck, why is he doing this?

"You may go," utos nito. Bumalik na si Top sa ginagawa niyang sa kanyang mesa at si Hydra naman ay nauna ng lumabas. Naiwan ako sa loob at nanatiling nakatayo.

"You can ask now," sabi ni Top nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. I sighed heavily and calmed myself. I gathered enough courage to open my mouth and ask him.

"Why is he here? H-He don't belong...here. Mapapahamak lang siya," tanong ko. I looked down as I continued. "He's not capable of doing what we are doing," mahina kong ani ngunit alam ko na narinig iyon ni Top.

"Minamaliit mo ba si Yvan?," tanong ni Top na nagpatigil sa akin. Mabilis ko itong tiningnan ulit.

"Hindi!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses ko kaya't agad akong humingi ng paumanhin.

"Nag-aalala lang ako para sa kanya," pag-amin ko kay Top. I guess there's nothing wrong with telling him the truth.

"We all are worried for each other. Have you seen him fight?," natahimik ako sa tanong nito. Seconds after I shook my head. Hindi ko pa ito nakitang makipaglaban. Sinabi niya sa akin noon na marunong siya sa martial arts dahil nag-train ito ngunit hindi ko pa ito nakikitang makipaglaban sa personal. "I already did. Hindi ko ito isasali kung wala akong tiwala sa kakayanan niya. Hindi ko ito isasali kung alam kong hindi niya kayang makipaglaban," ani Top sa akin.

Kahit na ganoon ay hindi parin mawala sa akin ang mag-alala para kay Yvan. He's too innocent for me to think that he can kill someone or harm someone. Ayokong madumihan ang mga kamay nito. Ayokong matulad ito sa akin. Bad or good people, at the end they're still human. Wala akong karapatan na patayin ang sino man sa kanila. Ayokong maging ganoon si Yvan.

"Appearance can be deceiving Jao. You need to look closely to know the person better. Every side of them, small or big details, it can make them a different person," nakinig lang ako sa sinasabi ni Top sa akin. "If you're really worried of him, why don't you give yourself time to know him more? Try to learn everything about each other, bumalik ka rito kung hindi mo kayang tanggapin ang lahat sa kanya. Ganoon din si Yvan sa'yo. Ayokong magkaroon ng problema sa grupo. "

"D-Do you know anything about...me and Yvan?," I asked. Sinalubong ni Top ang paningin ko at tumango.

"Try to be transparent with him instead of covering everything that you're feeling. Hindi lang ikaw ang tao sa mundo Jao. Who knows that he might get attracted to someone else?"

Nag-init ang ulo ko dahil sa huling sinabi ni Top. Somewhere inside me feels like it's being stabbed just by hearing his words. I hate how they make sense and I realized how stupid I really am.

Treatment (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now