Seventeen

11.2K 495 56
                                    

Chapter 17

Jao

I am staring at my cup of coffee. Nakatunganga lang ako habang lumilipad ang isip. Wala akong maayos na tulog matapos kong sunduin si Joann sa bahay ni Yvan. I have no idea why they had dinner together. Hindi ko gusto ang nangyari.

"Kuya."

Umangat ang aking tingin sa pinanggalingan ng mahinang pagtawag ni Joann sa akin. I stared at her blankly. Nakanguso ito at nilalaruan ang mga daliri niya sa kamay. Alam niya na may mali siyang ginawa.

"Are you mad?," mahina nitong tanong. Joann and I may be workmates but we're also siblings. Hindi iyon naaapektuhan ng kung anong klaseng trabaho meron kami. Oo, delikado ang trabaho namin ngunit pinapanatili parin namin ang relasyon naming dalawa bilang magkapatid. She knows how to act as my younger sister and she knows me when I act as his older brother.

We only have each other after our family died during an operation. They're both police officers. Namatay sila 10 years ago.

"Here," inabot ko sa kanya ang gamot para sa hangover niya at isang baso ng tubig na hinanda ko pa kanina. Tahimik niyang inabot ito at ininom bago umupo kaharap ko. "Masakit ba ang ulo mo?," tanong ko sa kanya.

She nodded and looked down.

"Don't do it again. Alam kong malaki ka na Joann pero bilang kapatid mo normal lang sa'kin ang mag-alala. Alam mong mabilis ka lang malasing kaya bakit ka uminom na lalaki ang kasama?" She looked at me to defend herself.

"Pero kuya si Yvan naman 'yong kasama ko," paliwanag niya.

"He's still a man. Good thing that he didn't do anything ngunit paano kung iba ang kasama mo? Paano kung may ginawa siya sayo? Do you get my point?"

"Opo," nakayuko niyang sagot.

"I was just worried. Hindi ka naman galit na pinagsabihan kita 'di ba?," I held her chin and made her face me. "Do you hear me Joann?"

"Sorry kuya."

"Hmmm. Magluluto na ako," ginulo ko ang buhok nito bago tumayo.

I started making breakfast for us while Joann's doing her coffee. We were both occupied with silence when Joann at last started a conversation.

"Ano pala ang nangyari kagabi?," tanong niya. Napahinto ako sa aking ginagawa nang maalala ang nangyari kagabi.

Stop ignoring your feelings Jao.

His face that night flashed on my memory together with the last line that he said. Alam kong napapansin niya ang pagdistansya ko sa kanya. Alam ko rin na galit na ito sa akin. I am doing it purposely. I am a jerk for doing that but it's the best choice that I have.

"Sinundo kita sa bahay ni Yvan," sagot ko. Hindi ko na kailangan sabihin sa kanya ang nangyaring sagutan namin ni Yvan.

"Kuya you know what? I guess he likes you," hindi ko inasahan ang sinabi niya. I was taken aback and paused for a while. I swallowed before answering her, nakatalikod ako sa kanya.

"You don't know what you are saying," I said to her.

"Do you like him?"

I closed my eyes and sighed. Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon si Joann bago sumagot.

"No."

Bumalik na ako sa ginagawa ko at laking pasalamat na hindi na nagtanong pa si Joann. I honestly don't want to talk about it.

Pagkatapos naming mag-agahan ni Joann ay pumasok na ako sa trabaho. Siya naman ay umalis na rin dahil may lakad umano.

I am on my office taking care of some files and reports. Lagpas tanghalian na at wala akong balak na lumabas para kumain. Nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa nang may kumatok sa pinto. Inangat ko ang aking tingin at hinintay kung sino ang papasok.

Treatment (BxB) CompletedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora