4

11 0 0
                                    

:))


Pumasok na kami nina Mia sa loob at nakasabay pa namin sina Aziel. Tinignan ko lang sya nang masama.

Naiirita ako sa kanya. Sa halip na hindi ako malelate sa klase e late ang kalalabasan ko nito. Ako magiimis e kailan pa ako natapos at nakapaglinis ng katawan.

Sila ang nagamit ng court ngayon pansamantala habang kami ay tumatakbo paikot.

"Adalyn, pasensyahan tayo ah? Sana maintindihan mo kasi alam mo naman ang rules hindi ba?" Saad sakin ni Coach at tinapik ang balikat ko at ngumiti.

Mabait naman si coach strikto lang talaga sya. Gusto nya kasing disiplinado kaming lahat at responsable.

"Opo coach, pasensya na rin po." saad ko at nginitian na nalamang nya ako at tumakbo na akong muli.

Tapos na ang basketball magpractice kaya kami naman ang gagamit ng court. Alam ko na ang mga dapat kong gawin.

Inalagay ko na sa tabi ang bola at nilatag ang net para madali nang magkabit.

Nilabas ko na yung poste na pagkakabitan. Tinulungan naman nina Mia at Borealis. Pero ako na ang nagkabit ng net.

"Uy Evie bakit wala tumutulong sayo?" Saad naman ng lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko.

Umangat ang tingin ko pagtapos ko magtali sa baba. Nakita kong si Drix and nagtanong at nakatingin lang sakin si Jaylen at Aziel.

Iniiwas ko na ang tingin ng hindi sinasagot ang tanong ni Drix. Lumipat ako sa kabilang poste at nagtali ng sa taas. Ibinaba ko yung poste para madali itali.

Naramdaman ko namang may naghawak noong poste dahil biglang gumaan. Nakita kong hawak ni Drix yung poste. Binitawan ko na iyon at tinignan lang sila ng masama at itinali na ang nasa ibaba.

"Drix! Halika muna dito!" Sigaw naman ni coach Neil.

Hindi ko na sila tinignan at nagpunta na sa mga kateam ko at nagstart na kami magdrills. Pagod na pagod na ako shuta.

Last drill na namin bago mag 6v6 kaming team. Pinapila na kami at si Erna ang setter namin ngayon.

Nagpahuli ako kasi ayoko manguna. Wala ako sa mood today. Sino ba naman kasing hindi.

"Una ka na Mia likod ako." saad ko naman kay Mia at tumango na lamang sakin.

"Differential sayo?" Tanong sakin ni Erna at tumango lang ako at inihagis sa kanya ang bola.

Crosscourt. Kanyang palo kanyang pulot. Malay ko bang sa bleachers pupunta yung bola.

Hindi ko napansin na nakaupo pala doon sina Aziel, Jaylen at Drix. Kay Jaylen gumulong yung bola kaya hawak nya.

Iniabot naman nya sa akin iyon at tinapunan ko lang sya ng tingin at bumalik na sa pwesto ko.

Natapos na kami bandang ala syete na. Sa pagkakaalam ko ay ako na lamang ang tao na nagiimis ng bola kasi pinauna ko na sila at tinanong naman ni coach kung okay lang at pumayag naman ako doon.

Habang nagpupulot ako ng bola ay napansin kong may tumutulong sa akin. Hindi ko tinapunan iyon ng tingin.

Huling bola na ang kukunin ko ng makuha ito ng isang lalaki. Inaangat ko ang tingin ko at parang bumalik lang yung pagkairita ko sa kanya kanina.

"Tapos ka na?" Tanong nya sakin. Tinalikuran ko na sya at dumiretso sa may loob at ipinatong na lahat ng ginamit doon.

Isinara ko na ang ilaw pati na rin ang pinto. Nakapadlock na rin ito. Nagulat ako ng pagharap ko ay nasa harapan ko mismo si Aziel. Konting space lamang ang pagitan namin.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now