1

30 2 0
                                    

:))

Warning: Foul words ahead.



"Hoyyy Aurora Borealis! Bangon na!" Sigaw naman ni Mia at ramdam kong papunta na rin sya sakin.

Bago pa sya makasampa sa kama ko ay bumangon na ako ayoko masigawan ni madam olivia.

Btw I'm Adalyn Evie Rivera Garcia and I'm now living with my bestfriends since highschool. We met because of playing volleyball. We decided na magsama sama na lang. Our parents agreed naman since mga busy din naman.

Yung sumigaw kanina sya si Mia Olivia Rodriguez Alcantara. Daddy nya ay sa company na nila mismo nagtatrabaho. While her mom is working abroad. 'Di mo naman masasabing spoiled brat sya. Matangkad sya 5'8 medyo maputi matangos ang ilong. Magkasingtangkad lang kami nyan.

Yung sinigawan naman nya kanina ay si Aurora Borealis este Aurora Celeste Navarro Andrada. Daddy nya ang head ngayon nung aming pinagkakaabalahan tuwing free time namin. Mas matangkad sya samin halos 6" na sya. Fair skin lang sya katulad ko. Hinding hindi mo magugustuhan kapag nagalit 'to.

May training kami ngayon, hindi sa court kundi doon sa sinabi ko kanina na ang head ay tatay ni Borealis na pagmamay-ari namin.

Nagsiliguan na kami at nagprepare na.
I wear my boots a black shirt na pinatungan ng hoodie and a cargo pants.

Lumabas na ako at nakita ko naman na ayos na rin sila. Nakita ko pang isinuksok ni Mia ang balisong nya sa sapatos nya.

Kinapa ko naman ang akin at napagtanto na wala ito. Habang naghahanap ay tinawag naman ako ni Mia.

"Ano hanap mo?" Saad nya habang nag-aayos ng damit.

"Bebe ko 'di ko makita." tawa ko naman habang naghahanap.

Alam na nila tinutukoy ko. Maya maya lang ay tinawag ako ni Borealis at ibinato sakin ang balisong.

"Gago amputs!" napasabi na lang ako ng masalo ko ito at muntik na kamay ko. Ibinato ba naman sa akin ng nakalabas yung kutsilyo.

Tinawanan lang ako ni Borealis. Sinamaan ko na lang sya ng tingin at nag-ayos na ng gamit. Dahil pagkatapos namin magtraining sa Harbor Place ay diretso na kami sa gym kung saan magtetraining kami for incoming league.

"Hoy tara na yari na tayo do'n." saad naman ni Mia at nagmadali na kami lumabas.

"Oh kaninong sasakyan?" Tanong ni Mia sa amin.

Nakaharap kami sa tatlong kotseng nakaparada ng ayos. "Wala ako dala susi hehe." ngumisi naman si Borealis.

"Ako rin hehe." saad naman ni Mia. Wala na ako magawa kasi ako lang naman lagi may susi sa bag.

Pinaandar ko na ang kotse at pinaharurot. Tawang tawa naman ako sa reaction nung dalawa ng makarating kami at nakapagpark.

"Fuck you Evie, papatayin mo ba kami?!?" Singhal nya sakin pagkababa na parang lula pa rin.

"Sabi ko naman kasi sa inyo e magdala kayo ng susi nyo haha!" saad ko naman habang tumatawa.

"Gago ka talaga, kaskasera." saad ni Mia at binatukan ako.

"Sorry na kasi, sabi nyo kasi yari na tayo kay boss e kaya binilisan ko na lang." saad ko at ngumiti sa kanilang nang-aasar.

"Mas pipiliin ko malate kesa naman mamatay sa daan!" saad ni Borealis na katatapos lang magtawag ng uwak sa tabing kanal.

Humagalpak naman ako ng tawa ng makitang biglang nagtawag ng uwak si Mia.

"Sorry hehe!" nagpeace sign pa ako at umuna na sa loob.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin