17

8 0 0
                                    

:))


Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko.


Napaupo ako at napasapo sa ulo ko.

Ayyshh! 

Bakit kasi nag-inom pa ako kagabi pwede namang bantayan ko na lang yung dalawa.

Siguro naman wala akong kalokohang ginawa kagabi. Sana nga naman ay wala.

I checked my phone kung may ginawa akong drunk call or drunk messages kahit kanino.

Wala naman akong nakita and I checked the time it is already 10:45 in the morning.


Kelangan ko makauwi before 12 dahil uuwi si daddy para magtanghalian sa bahay. They know na tanghali na ako bumabangon samin at hindi na nag-aagahan.

Umupo ako sa bedside at may nakitang baso na may tubig at 3 gamot. Iisa na lang ang may laman. Ininom ko kaagad yun at lumabas ng kwarto. I checked the guest rooms at wala ng tao, but I saw some clothes so I assume na naandito pa ang dalawa.


Bumalik ako sa kwarto ko to do my morning routine. Binilisan ko na dahil masakit talaga ang ulo ko. Bumaba na ako at dumiretso sa may kitchen.


"Pucha!" Napasigaw ako ng lumabas ng banyo si Jaylen na kakahilamos lang.


"Haha chill Adea." saad ni Jaylen at dumiretso na sa coffee table.

Nakita ko namang nakaupo sina Mia at Borealis na tulala at mga nakatungo habang yung dalawa naman ay tawa ki tawa. Si Aziel ang nagluluto ng kakainin, nakita kong pinatong nya sa lamesa ang bacon.


"Sis! Gising ka na pala. Morning." saad naman ni Borealis na nagliwanag ang mukha.


"Morning"


Umupo na ako sa tabi ni Drix na kaharap si Mia na katabi si Borealis. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nila.


"Hoy aga aga anong mukha yan?" Saad ko naman at napatingin sila sakin.


"Sis di na talaga ako iinom"
"Yoko na uminom"


"Sure na kayo dyan?" Saad ko na natatawa. Sinamaan naman ako ng tingin nung dalawa.

"Kain na muna, mamaya na kwentuhan." saad ni Aziel pagkapatong ng fried rice na niluto nya.


Nagsimula na kaming kumain at walang umiimik kaya kinuha ko ang phone ko at nagscroll habang nakain.


Tumigil sina Aziel,Jaylen at Drix sa pagkain nila. Ibinaba nila at kutsara at tinidor. Tinignan ko naman sila sa ginawa nila.

"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kanila at napatingin sakin sina Mia at napatigil rin sa kinakain.

"Di pa." sagot sakin ng diretso ni Drix. Napakunot naman ang ulo ko sa sagot nya.

"Di kasi kami tinuruan na kumain tapos ang kasama namin sa table ay nagpophone habang kumakain. Di lang kami sanay." naramdamang kong iba ang tono ng boses ni Aziel.


"Sorry." I said then I flip my phone and put it down. Nagtuloy na sila sa pagkain at ganoon na rin ako.


Natapos na kami at si Jaylen na ang nagpumilit maghugas ng pinagkainan namin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga ng kaunting oras. Habang sina Drix at Aziel naman ay nanunuod ng netflix sa sofa.


Bumukas ang pinto ko at niluwa nito si Mia at Borealis na pagkapasok ay kaagad isinalampak ang katawan nila sa kama.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now