12

11 0 0
                                    

:))



We arrived here at the city hall of the municipality of Bansud.

Di na muna namin dinala bags namin kasi dadalhin din naman sa hotel para daw makapagpahinga.

Bumaba na kami at pumunta sa kanya kanyang teammates.

We are currently waiting for the other participants.

Kaya wala kaming ginawa kundi magtake ng pictures ilagay sa story at magchikahan, kumain na rin nang kumain.

After a few minutes ay nagdatingan na rin yung ibang participants.

Nagkaroon lang ng kaunting orientation para mamaya sa opening. Hapon pa ang opening around 3pm daw kaya makakapagpahinga pa kami at konting pasyal.

May sinusundan lang kaming sasakyan patungo sa hotel na tutulugan namin. Dalawahan lang pero napilit namin si coach na kung pwede ay samasama na kaming tatlo.

Pumayag naman kaya ayan ngayon nilalagay na namin gamit namin sa isang tabi.

"Oy ano balak nyo?" Saad ni Borealis at naupo sa kama.

"Balak kang patayin." saad ko at pinaglaruan ang balisong na hawak ko.


"Hep hep hep, pano ka nakapagpuslit nyan aber?" Saad naman sakin ni Mia at nilapitan pa ako.

"Grabe ka namin sakin sis." saad nya at may kinuha sa may pants nya. Naglabas din si Borealis ng balisong nya.


"Hoyy! Pano kayo nakapagdala nyan?" Saad samin ni Mia na nakapamewang pa.

"I have my ways"
"I have my ways"

Sabay na sabi namin ni Borealis at nagtanguan pa. Napasapo naman si Mia at napahinga ng mabigat.

"Gago!" Nagulantang si Borealis ng may dumaang balisong sa may leeg nya at tumusok ito sa pader na nasa likod nya.

Nagulat rin si Mia at napatayo sya sa kinatatayuan nya.

Tumayo ako at nilapitan ko ang balisong ko at kinuha iyon at nilaro. Hindi parin makamoveon si Borealis kaya napakurap sya sa ginawa ko.

Tinignan ko naman si Mia na gulantang parin sa nakita nya. "Hoy ano yon Adea!?" Saad ni Mia at hinila ako.


"Chill ka lang Mia haha, may atraso sakin si Borealis e." saad ko na natatawa. Alam kong alam na ni Borealis tinutukoy ko kaya tumawa sya.

"Ano ba yon?! Pucha kayong dalawa." saad ni Mia at napaupo sa isang couch dito.


"Sa susunod na ipamigay mo pa ulit ang number ko sa leeg mo na 'yan tatama." saad ko kay Borealis at tinawanan lang ako.


"Hehe sis kasi chill may kapalit 'yon e haha, pinagdala ko sila ng gamit natin incase alam mo na." saad nya na nakangisi parin.

"Pucha 'yon lang pala magpapatayan kayong dalawa!" Saad ni Mia out of frustration sa ginawa ko.

"Oh ano di pa kayo magtatanghalian?!?" Saad naman ni Jaylen na biglang bukas ng pintuan. Nanlaki ang mata ko ng binato ni Borealis ng unan si Jaylen at sapul sa mukha.

"Bwisit Jaylen! Uso kumatok!" Saad ni Borealis na alam mong nagulat rin.

"Tara Mia yaan mo yang nagbestfriend na 'yan." saad ko at diniinan talaga yung bestfriend.

"Ah oo tara haha" saad ni Mia at nauna pa lumabas.

Kumaway lang kami kay Borealis at inikutan lang kami ng mata. War kasi silang magbestfriend daw e.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now