9

9 0 0
                                    

:))



Salamat naman at gising ako sa klase ko ngayong hapon. Reportings lang then discuss. Hindi ko pa rin naisasauli ang balisong nya kasi nakapa ko pa sa bag ko.

2nd class ko and wala naman daw prof namin sa last class kaya siguro maaga ako makakauwi.

Hindi muna ako sa dorm uuwi. Uuwi muna ako sa amin para magpaalam.

May epal na tumabi sakin. Kaklase ko si Aziel dito sa 2nd class namin. Nakaramdam ako ng gutom kaya nilagay ko sa ilalim ng desk yung binili ko kaninang cake.

"Lung diseases are some of the most common medical conditions in the world. So can you give me some particular diseases and tell something about it." Saad naman ng prof namin.

Todo kain lang ako dito. May alam naman ako may nakareserve dito sa utak ko 'no.

Di ko lang trip sumagot, gutom kasi ako. Eto namang katabi ko ay kumuha rin sa kinakain ko.

"Hoy!" Bulong ko sa kanya at tinapik ang kamay nya.

"What?" Saad nya na pabulong din.

Nagbangayan pa kami ng pabulong. Muntik na ako mapatalon sa kinatatayuan ko ng tawagan kami ng prof namin.

"Mr. Castro and Ms. Garcia, what's going on there? Would you mind to share it with us? Saad samin ni Prof at lumapit pa samin.

Ngumiti lang ako sa kanya at bumaling ang tingin kay Aziel.

I rolled my eyes on him at sinamaan ng tingin. Tatayo na sana ako ng maunahan ako ni Aziel.

"Ahm we're just talking about some of the diseases we know." saad ni Aziel at tumingin sa prof namin ng walang emosyon.

"But it looks like you two are fighting over a thing." saad naman ng prof namin at naglakad paunahan.

"It is because we unfortunately have different opinions on the disease we told so yes po some argument." saad ni Aziel at tinignan naman ako ng prof at tumango na lang ako.

"So share it with us Mr. Castro and Ms. Garcia." saad ng prof namin at napapikit ako at tumayo na din.

Nagkatinginan kami ni Aziel at nagtatanungan kung sino ang mauuna samin umimik.

"Ahm sir"
"Sir"

Nagkasabay pa kami and some of our classmates let out a chuckle.

Alam kasi nilang never kami nagkasundo ni Aziel.

Napatingin samin yung prof and his brows furrowed.

Huminga na ako ng malalim. I decided na ako na lang mauna since ayaw naman ata ni Aziel.

"So Sir I was talking about Chronic Obstructive Pulmonary Disease also know as COPD. This is a lung condition, you can’t exhale the way you usually would, which causes trouble breathing."

I said and the professor looks at me then shift his looks to Aziel and he started to also talk.

"Chronic Bronchitis is a form of COPD as said earlier by Ms. Garcia. It brings a long term wet cough." He said then he sit down na rin.

Itinago ko na yung pinagkainan namin ng cake kasi baka mahuli pa. Ipinalit ko ay yung balisong nya. Yun ang nilagay ko sa ilalim ng desk.

"Ah okay. I get it kung ano pinagtatalunan nyo dyan." our prof said and nakahinga naman kami ni Aziel ng malalim. Talagang sabay pa kami ha.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himМесто, где живут истории. Откройте их для себя