8

12 0 0
                                    

:))


Isang linggo na ang nakalipas ng nangyari ang ganap sa court. Medyo magaling na rin ang sugat ko. Nakakapagtraining na ako ngayon pero hindi biglaan.

Nalaman pa kahapon ni mama at daddy na sumabit daw ako sa gate namin. Inaasar ako ni daddy pero alam kong alam naman nya ang nangyari. Imposibleng hindi makarating sa kanya yon.

Habang si mama naman pinagtripan pa ako. Yun daw napapala ng gala ki gala at ano daw tawag don.

"Double time!"
"Mia gitna!"
"Diskarte!"
"Trabaho muna kayo!"

Nakakapagod ang training ngayong umaga. Hindi ko alam kung gising ako mamaya sa klase. Pero pipilitin kong gising baka ibagsak pa ako.

"Enough girls! Come here."
Saad ni Coach Tin at nagsilapit naman kami sa kanya.

Pinaupo nya kami at magkakatabi kami nina Mia at Borealis.

Napansin naman naming kadadating lang ng basketball team. Bago makaimik si Coach Tin ay lumapit naman si Coach Neil.

"Coach ano? Nasabi mo na sa kanila?" Saad ni Coach Neil at kami naman ay kanya kanyang chika.

"Sasabihin ko pa lang ngayon Coach Neil." saad ni Coach Tin at tinignan kami.

"Boys! Upo kayo rito may iaannounce kami." saad ni Coach Neil. Tinanguan naman sya ni Coach Tin.

Hindi nakatakas sakin ang tinginan ni Mia at Drix at ang ngitian nina Borealis at Jaylen. Pinaghihila ko ang mga buhok nila.

"Mga shulandiiii." saad ko at nagtawanan kaming tatlo.

Ewan pero hindi ko inasahang mahahagip ng mata ko si Aziel na nakikipagusap sa isa nilang kasama.

"So goodmorning everyone! We have an important announcement." Tumigil bahagya si Coach Neil at tumango na lang kay Coach Tin.

"So apparently Mr. De Jesus a head from a tournament sent us an invitation to play for the Basketball and Volleyball Tournament. We gladly accepted it so this coming friday we will go to Bansud, Oriental Mindoro for the said event." Saad ni Coach Tin at namigay ng letters at kami na daw bahala magbigay sa parents.

Aware na daw ang professors namin ukol sa bagay na ito. Hindi ko alam kung sasama ako o hindi. Baka kasi mahirapan ako humabol sa klase.

"Okay girls you can rest."
"Boys! Start na tayo."

Kalalabas ko lang ng locker room. Hindi naman ganun ang training ng basketball parang nagdrills lang tapos yun na yun.

Suot ko ay casual lang kasi nakalimutan ko yung damit ko. I did not know na inaantay pala ako nina Mia sa may bleachers.

"Mia tara na!" Sigaw ko at ngumiti lang sila sakin. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong nasa harapan nila si Drix at Jaylen.

"Oh ginagawa nyo dito Drix?" Saad ko naman pagkarating ko sa pwesto nina Mia.

"Ah ano kasi Evie, yayain ko sana si Mia mag late breakfast since wala naman daw syang klase ngayong umaga." napatingin ako ng diretso kay Drix. Lumipat ang tingin ko kay Mia na ngumiti lang sakin.

Tinanguan ko na lang sila. Napatingin naman ako kay Borealis at ngumiti lang din sakin.

"Ikaw? Wala kang lakad with bestfriend kuno?" Saad ko at nginisian si Borealis.

She rolled her eyes at me at sakto naman kararating lang ni Jaylen na hingal na hingal.

"Evie lala---" bago pa ny matapos sasabihin nya ay pinutol ko na at alam ko na naman.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now