35

4 0 0
                                    

:))


Kinabukasan ay napagpasyahan namin na mag water sports. Nagbibihis na si Mia sa banyo kaya nagiintay kami ni Borealis dito sa labas.

Wala akong choice kung hindi mag sportsbra dahil tinago nung dalawa ang  rush guard ko.

Nagmaong shorts na lang ako pang cover up sa pambaba ko. Yung dalawa hindi nagpaawat na magswimsuit, hindi ko alam trip ni Borealis at ang cover up namin sa pang itaas ay hanging blouse.

Bumaba na kaming tatlo at nagdiretso na sa beach. Naabutan naman naming nakaupo lamang si Aziel at Drix sa tabi, mga naka topless.



Pinagyayabang ang mga abs sa mga dumadaan na girls. Samantalang nasa dagat na si Jaylen kasama si Yesha at hindi ko alam kung nasaan si Adi.

"Chill Borealis parang papatay ah." saad ni Mia na natatawa kaya binalingan ko yung dalawa at tinignan ang tinitingnan ni Mia.

"Landi e." saad ni Borealis at tumabi na kina Drix kaya tumabi na rin kami ni Mia.

Natapos na lahat ang water sports pakana naming tatlo at nakapagtanghalian na naman kami since pahapon na naman. Malapit ng dumilim pero hindi ko parin nahahagilap si Adi, pati na rin si Yesha kaya nagtataka na kami.

"Hoy Adea di pa kita nakikitang magtanggal ng cover up mo ah, daya neto." saad naman ni Borealis na nasa dagat at tanggal na ang cover up nila ni Mia.

Dito ako nakapwesto sa tabing dagat at pinagmamasdan lamang silang magkulitan. Tinanggal ko na ang cover up ko at sumugbo na rin sa dagat.

"Yes naman!!"
"Sana ol body goals!"

Sigaw naman ni Mia at Borealis na inirapan ko lang sila. Kung ano anong laro na ang nilaro naming tatlo dahil bantay sarado kami, as in hindi ako makapunta ng laot dahil kasunod ko si Aziel palagi.

Nanawa na ako at umahon na, umupo ako sa kaninang pwesto at inabot ang towel ko para magpunas. Kinuha ko na rin ang phone ko at tumayo ulit.

Lumapit ako sa kanila at nagpapicture naman sila. I was about to take a cute video of Aziel pero lumapit sya sakin.

"Why?" I smiled. Diretso parin yung video.

"The guy won't stop looking at you." saad nya at  hinalikan ako sa pisnge saka bumalik sa ginagawa nya kanina.

"Ay binakuran ni cap."
"Lakas talaga cap, kaya ako'y sayo e."

Hindi ko alam irereact ko kaya tumawa na lang ako at pinagpatuloy ang pagvivid sa kaniya. Nakita ko pa ang ngiti sakin nina Mia at Borealis na nang-aasar.

Nagsawa na silang maglangoy kaya umahon na rin sila since madilim na rin naman. Nauna na si Borealis maglakad dahil tinawag sya ni Adi.

"Borealis be back at 7pm diretso resto na kami kakain tayo dinner." saad ni Mia at tumango lamang si Borealis.

Nauna maglakad sina Mia at Drix na kasunod si Jaylen. Hindi ko parin nakikita si Yesha. Naglakad na rin ako at sumunod sa kanila.

Napatigil ako sa paglalakad when Aziel intertwined our hands.

Hindi kaagad ako nakalakad ng tignan ko ang kamay namin. Napabalik lang ako sa katinuan ng mahila na ako kaya naglakad na rin ako at hinayaan ko na lang ang kamay namin hanggang sa makarating kami dito sa resto.

"Guys may kukunin lang ako sa kwarto ah?" Saad ko at aalis na sana ng mahigit ulit ako at hawak pa nga pala ni Aziel ang kamay ko.

"Aziel lang malakas!" Saad ni Drix at nagtawanan sila.



UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now