34

3 0 0
                                    

:))


Nakarating kami dito sa pier ni Mia. Hinihintay namin yung iba dahil kami pa lang ni Mia ang naandito.

She mentioned me na her mom rented a part of a resort for us. Para daw makapagenjoy ng kahit kaunti.

Hindi naman namin nakalimutan na dalhin mga gamit namin dahil hindi pa rin kami panatag sa mga mangyayari.

Lalo na at kalat na ang balita na patay na si JD. Hindi ako magtataka na kahit dito ay susundan kami kaya nagdala na rin kami.


"Oh ayan na pala sila e." saad ni Mia kaya napatingin din ako sa mga nagdadatingan.

Halos sabay sabay lang din sila.

Akala namin ni Mia ay nagbibiro lang yung dalawa na may isasama sila pero nagkamali kami.

Totoong isinama nga ni Jaylen si Yesha at ni Borealis si Adi.

Nagkatinginan kami ni Mia at nagkibit balikat na lang saka medyo tumawa, pareho ata kami ng iniisip.


"Adii!!" Sigaw ko kaagad at nagfist bump naman kami ni Adi. Ganoon rin ang ginawa ni Mia. Nakatingin lang samin si Aziel at Drix na mga nakacross arms.

"Ahm Mia, baby boss, mga tol si Yesha nga pala." pagpapakilala ni Jaylen sa amin.


Nakita ko sa mukha ni Yesha ang inis ng tawagin ako ni Jaylen na 'baby boss'. Poor girl pati ako ata pagseselosan.

Pinalayo na nga si Borealis kay Jaylen pati ba naman ako pagdidiskitahan rin?

"Ahm hi." I let out a fake smile. Alam ko namang she doesn't like me the way she squeezed her hands on me.

Medyo madiin yun. Napansin din yun ni Mia kaya napatawa na lang sya at nauna na sa yate.

"And you are?.." biglang angat ng tingin ni Borealis sa nagtanong. Pinagdidiskitahan talaga ni Yesha si Borealis.

"Adi let's go." saad ni Borealis ng diretso at tinignan lang si Yesha mula ulo hanggang paa at tinitigan lang ang kamay na nagaalok ng shake hands and let out a smirk.

Napatawa ako dun ng bahagya kaya hinila ko na si Aziel paloob ng yate.

"Ako na." saad nya at kinuha nya ang bag na dala ko. He smiled at me naman.

Umaandar na ang yate kaya medyo nasa labas kami para makita yung view. Kumuha lang ako ng yakult sa may mini ref dito at saka lumabas ng tuluyan.


I saw here na nag-uusap sina Mia at ng makita nila ako ay pinapunta na nila ako sa tabi nila. Pero bago pa ako makahakbang ay inakbayan na ako ni Aziel at hinila papunta sa  ibang direksyon. Tinawanan naman kami noong dalawa.


"Hoyy ano ba? Bitaw nga Aziel." saad ko at tinawanan nya lang ako hanggang sa makarating kami dito sa may bandang gilid.


Pinatong nya ang kamay nya dito sa may railings at saka pinagmasdan ang magandang tanawin habang binabaybay namin ang dagat.

Napatitig ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin.


"Alam ko namang gwapo ako, pero wag mo nga akong titigan nakakailang." saad nya and he smirked.


"Kapal talaga." saad ko at lalakad na sana paalis pero pinigilan nya ako.


"Dito ka lang." saad nya at kinulong nya ako sa yakap.

Makalipas ang ilang minuto ay gumalaw ako at tinignan ko ang mukha nya na nakapikit at dinaramdam ang hangin.

Gumalaw ako at nagmulat na sya. Humarap na ako sa harapan pero nakabackhug pa rin sya sakin. Hindi nya talaga ako bitawan kaya hinayaan ko na lamang.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himDonde viven las historias. Descúbrelo ahora