13

17 0 0
                                    

:))


Humakbang ako papalapit kay JD at tinitigan ko sya sa mata.

I shift my look to Thea na masama ang tingin din sakin. Sinagad mo ako Thea kaya pasensyahan tayo. Nakaramdam ako ng lasa ng dugo sa labi ko.


Pinunasan ko ito at pinagmasdan.

"JD sure ka bang sayo ang batang 'yan?" Saad ko at hindi na ako nagulat ng kwelyuhan nya ako.

"Anong sinabi mo?" Saad nya na galit na galit na.

"Sabi ko sure ka bang sa--" naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumuntok kay JD at kwinelyuhan.

Walang masyadong nakakakita dito dahil madilim sa part na ito.

Inayos ko ang kwelyo ng suot kong damit at nagpagpag ng damit.

"Wag na wag mong subukang saktan si Adea. Ako ang makakalaban mo James Dan. Hindi pa ako nakakalimot sayo." Nagulat ako ng mabosesan ko ang lalaking umiimik.


"Kendric." Saad naman ni JD kaya inawat ko na agad sila.

"Aziel tama na." saad ko at hinila na si Aziel.

"Tandaan mong hindi pa ako tapos sa inyong dalawa." Saad naman ni Aziel at hinila ko na sya paalis.


Bago makaalis ay nagsalita muli si JD na ikinainit ko ng bait. Di ko aakalaing sasabihin nya yun sa harap ko.

"Ano? Kendric talagang naniniwala ka kay Lealyn? Eh paglalaruan ka lang nyan gaya ng ginawa nyan sakin." saad ni JD at hindi ko napigilang hindi sya sugudin.

Kwinelyuhan ko sya at inilibas ang balisong ko at itinutok sa kanyang tagiliran. Sinipa ko ang tuhod nya para makaluhod sya. Lumapit ako sa leeg nya at binulungan.

"Kung ako sayo James Dan, I'll make sure na tama lahat ng naririnig ko at reliable ang sources. Hindi yung nabulungan ka lang ng malandi paniniwalaan mo na." Saad ko at humiwalay sa kanya. Ibinagsak ko sya sa lupa at tinignan si Thea.

"Oh bago ako matapos, try ka pa DNA testing pag lumabas na yung bata. Pagnagmatch pwede kitang patayin. Pero pag hindi pwede mo kong patayin at yun ay kung magagawa mo, kaya who knows diba?" Saad ko at  tinignan ang nanlalaking mata sakin ni Thea.


Sasampalin ko na sana sya kaso nakonsensya ako e saka na lang. Hinila ko ang buhok nya at binulungan sya. "Pasalamat ka buntis ka kung hindi.." nginitian ko sya at naginig sya ng tutukan ko sya ng balisong sa tyan nya.


Hinila ko na si Aziel palayo at hindi ko namalayang lumuluha ako habang hila hila ko sya. Narating namin ang hindi ganoon karaming tao halos bilang mo lang talaga.

Napahawak ako sa railings ng mahigpit at napaupo na lang. I cried my pain and anger out.

"Arrghh! Bullshit!" sighal ko naman at tuloy parin ang tulo ng luha ko.

"Hey hey Adea, calm down." Pilit akong pinapakalma ni Aziel. Bandang huli napakalma naman nya ako.


"Gusto mo?" Saad nya at tumango na lang ako.

We're here sa baba ng hotel at may naabutang nagtitinda ng ice cream. Iniabot nya sakin at strawberry flavor.

"Ok ka na?" Tanong nya sakin at tinanguan ko lang sya at sabay na kami paakyat.

"You can tell me. I'll listen." saad nya pagkarating namin sa tapat ng pinto namin. Umiling lang ako sa kanya.

"I'll tell you some other time, not now." saad ko at pumasok na sa room namin.

Tamad na tamad akong ginawa ang night routine ko. Nahiga na ako sa kama ko at nakipagtitigan lang sa kisame.

Iniisip ko parin nangyari kanina sa plaza. Bumalik lang lahat sakin.

Flashback/Story time

4th year highschool kami nina Mia at Borealis. When I met James Dan, new school mate namin. We became bestfriends and we decided to cross the line. He courted me for about 8 months. Sinagot ko sya noong birthday nya.

We're happy naman and the things were good not when Thea came. Nagsimulang maglabo ang lahat. Halos araw araw away kami ni JD. Cool off dito cool off doon. Selos lang palagi ang pinagaawayan namin.

Grade 11 when Alex invited me on a party and he agreed naman so pumunta ako with Mia and Borealis. Konting inuman ganyan light drinks lang since we're not in the age pa.

Nagkaroon ng dare na I have to kiss Alex or I'll drink 5 straight shots. Sumigaw ako noon ng bet at nagtawanan kami. Kinuha ko yung 5shots at ininom ng diretso halos masuka ako non.

After that day, hindi ko na macontact si JD. Walang paramdam buong maghapon. Akala ko busy lang pero dumaan ang buong linggo walang paramdam. I tried to contact his mom pero pumapasok naman daw si JD. Hindi ko sya naabutan sa room nila noon. Hanggang umabot ng final recignition at awarding nakita ko sya sa huling pagkakataon.

I tried to talk to him pero talagang iniiwasan nya ako. Until after recognition we met at a garden at nagusap.

"Matagal na tayong tapos  Lealyn. Bakit ba habol ka ng habol?" Saad nya sakin. It breaks me hearing those words from him.

"Ano bang naging problema JD? Anong meron bakit biglaan? Tell me." saad ko sa kanya at tinignan nya ako.

"Ha? Talagang sayo pa nanggaling yan ha? Napakalandi mo! Pinayagan kitang pumunta dun pero anong ginawa mo! Tangina hinalikan mo si Alex? Tangina lang Lealyn at paano mo nagawang magpakita pa sakin. Isa pa kapal mo namang pagmukhain akong tanga, di mo naman agad sinabi sakit na bet lang pala ang relasyon natin tangina." Umiwas sya ng tingin sakin. Napasinghal naman ako at tuloy ang tulo ng luha ko.

"Naniniwala ka dun JD? Mas paniniwalaan mo yong kumakalat na tanginang video na yon? Mas paniniwalaan mo ang nagkalat sayo ng balitang bet lang? Tangina naman JD hindi akong ganoong tao! Pero sige paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan pero sinisugurado ko sayong wala akong ginawang mali sayo!" Pagkasabi ko noon ay umalis na ako at dali daling umuwi.

Grade 12 at sabay nagdropout si Thea at JD hindi namin alam ang dahilan at nawalan na ako ng pake noon sa mundo. Naghanap ako ng kung ano anong ebidensya ng kumuha ng video at napagalaman na si Thea ang kumuha noon at nagkalat ng gossip na may bet.

Yung video ay nung party unang tingin mo ay para nga namang hinalikan ko si Alex dahil sa anggulo ng video. Galing naman talaga. May mga naniwala pero may mga hindi rin dahil nasa party din sila.

Naglalakad ako noon at pumasok sa isang bar. Naging hobby ko noon ang mag-inom ng mag-inom right after I graduated shs. Walang alam ang magulang ko since busy sila at sa condo ako umuuwi.

Nakita kong may kahalikan noon si Thea at nakita ko ring nagavail pa ng vip room. Halos araw araw iyon na nangyayari at naabutan ko lagi sya.

Nakita ko ring marami syang nakakausap na mga lalaki at araw-araw ay iba-iba yun. Nagulat ako ng sakay ako ng kotse ko ay nakita kong magkasama sila ni JD sa isang park. Naguguluhan ako kung anong meron kaya I tried not to bother them unless they will bother me.

Tagal na rin pala ng nangyaring iyon pero eto ako nasasaktan parin kapag inaalala lahat ng sinabi sakin ni JD.

Malinaw na malinaw pa sakin ang lahat ng nangyari.

Gusto ko mag-inom pero ayaw kong magkahangover bukas. Bumukas ang pinto at iniluwa naman nito sina Mia at Borealis.

Mabilis ako nagpunas ng luha at nagkumot at nagkunwaring tulog na hanggang sa makatulog na ako ng diretso.


UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now