5

9 0 0
                                    

:))

I wake up and I felt a bit dizzy pa rin. Napapikit ako sa sakit ng naramdaman ko. Babangon na sana ako when I felt a pain on my shoulders.

Napasapo na lang ako sa noo ko ng maalala ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit ako nagcollapse. Siguro dahil na rin sa pagod.

Tinignan ko naman ang sugat ko at nakitang ayos na ito. May tahi na at may tapal na rin. Iniikot ko ang tingin ko at napansing hindi naman ito kwarto ko kasi iba ang amoy.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang picture frame sa gilid ng kama. Family picture nina Aziel.

Anong ginagawa ko dito?!? Pumikit ako at inisip kung ano pa ba ibang nangyari kagabi.

Halos mapatalon ako sa tayo ng pumasok si Aziel ng kwarto at may dalang tubig.

"Oh gising ka na pala." he said and I just ignored him.

Tinignan ko naman kaagad ang phone ko at napakubot ang noo ko ng wala manlang naghanap sakin. Kahit sina mama at papa. Wala rin akong nareceive na text from Mia at Borealis. Nakakapagtaka lamang.

"If you're wondering why your friends didn't call you or text you is because they know you're here and sila na bahala magpaliwanag at magpalusot since we didn't catch our morning classes." Saad nya at ipinatong ang baso ng tubig sa may table sa tabi ko.

I checked again my phone and shoot! May klase ako today. Walang training kasi may exhibition game daw kuno mamaya sa court.

"Thanks." saad ko ng iabot nya sakin ang tubig.

"Nagcollapse ka kagabi and I don't know kung saan ba kita ihahatid kung sa dorm naman makikita ni Coach Tin yang daplis sa balikat mo. Isa pa I don't know where your condo is." saad nya sa sakin at umupo sa may dulo ng bed.

"Ahh okay." 'yun na lamang ang naging sagot ko sa kanya dahil hindi ako makakapa ng sasabihin.

Napatingin ako sa suot ko ngayon. Isang malaking tshirt at shorts. Alam kong hindi 'to sakin.

Nanlaki ang mata ko sa naiisip ko. Pinabalik balik ko ang tingin ko sa damit ko at kay Aziel na nakaupo. Kumunot naman ang noo nya. Mayamaya lamang ay nagbago na iyon.

"If you're thinking na ako nagpalit sayo." he stopped and looked at me and he rose a side smile.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Ako nga" saad nya at tumawa.

"Gago! Pervert!" Singhal ko at binato sya ng unan.

"Ah!" Saad ko ng mabatak ko ang balikat ko.

Dalidali naman sya kaagad lumapit sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin ng hahawakan na nya ako.

"I was just kidding earlier, 'di ako nagpalit sayo 'no." saad nya at inagaw nya sakin ang pad na ilalagay pamalit dahil dumugo ito.

"Kung hindi ikaw, sino?!?" Saad ko sa kanya.

Tinapos nya muna ang paglalagay at tinignan ito kung ayos na at inilipat ang tingin sakin.

Eto na naman tayo sa pagtitig nya. Hindi ko pa rin mabasa ang mga mata nya. Hindi ko alam kung anong iniisip nya.

"Hindi ako bastos gaya ng iniisip mo. Nanay ko ang nagpalit sayo." napakurap naman ako sa sinabi nya.

Ano sabi? Nanay nya???

Lumayo naman kaagad sya sakin. Tumayo sya sa harapan ko.

"Tara sa baba kakain." saad nya at tumayo na ako para sumunod sa kanya.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now