7

7 0 0
                                    

:))

Dala na namin gamit namin and papunta na kami sa court. Hindi naman ako aware na sina Aziel pala naman ang lalaro.

"Sa may bleachers daw tayo mga sis!" Saad naman ni Borealis na excited na excited pa kesa sa mga players.

"Sino ka dyan sis? hahaha mas excited ka pa sa lalaro e haha" saad naman ni Mia at tinawanan lang namin ang busangot sa mukha ni Borealis.

"Support ko future ko, eh kayo?" Tanong naman nya pabalik samin.

"Bilis mo naman future kaagad haha"
Saad ko at nag apir pa kami ni Mia.

"Wag ka papatalo sis binahay ka na nga ng bebe mo e!" Saad nya sabay takbo at tumatawa.

"Gago!" Tinawanan naman kami ni Mia. Hinila ko ang buhok ni Borealis ng maabutan ko sya sa uupuan namin.

Umupo na kami nang ayos at 'di naman mapakali 'tong dalawa sa tayo nila. Nagiritan at nagsigawan naman ang mga tao ng pumasok na ang players.

Narinig ko namang umirit si Borealis ng papalapit samin sina Jaylen. Nakakarinig din ako ng iba't ibang usapan.

"Goodluck Jaylen!" Saad naman ni Borealis at ngumiti pa ng matamis.

"Paano ba yan bro? Una na ako ha." saad ni Jaylen at iniwan sina Aziel at Drix.

Hindi na ako nagabalang tignan pa sina Mia na akala mo nag-aaway na mag jowa sa itsura nila. Hindi pa umaalis sa harapan namin sina Drix at Aziel.

Patuloy lang ako sa pagtingin tingin sa paligid at nagmamasid. Ramdam ko namang may nakatitig sakin kaya napatingin ako kay Aziel at nahuli ko sya bago pa sya makaiwas.

"Oo na, goodluck!" Saad naman ni Mia at ngumiti ng kaunti kay Drix. Napangiti din naman si Drix at masayang umalis papunta sa teammates nya.

"Oh Kendric bakit naandito ka pa? Ikaw pa naman captain." saad ni Borealis.

Naalala kong sya nga pala ang captain ball ng Gladiators. Kalaban nila ngayon ay Flying Stingrays. Hindi naman ako kasi nanunuod ng basketball napasama lang ako.

"Ahh may iniintay kasi ako e." saad naman ni Aziel kay Borealis.

Nagpabalik balik ang tingin ni Borealis sa akin at kay Aziel. Pinanlakihan ko sya ng mata.

"What?" Saad ko then I rolled my eyes on her.

"Goodluck mo na sis, ikaw naman." saad ni Borealis. Lumabas saglit si Mia para bumili ng drinks namin at drinks nina Drix.

"What? Why me? Wala sa usapan yan Borealis." saad ko at ibinalik ang tingin sa phone ko.

Nagbulungan ang dalawa at ilang saglit lang ay pinababa na ako ni Borealis sa may railings kasi 'di na namin marinig isa't isa. Marami na kasing tao rin ang naandito.

"Tawag ka." bulong sakin ni Borealis at tinuro si Aziel na nasa may railing nag-iintay.

Tatanungin ko pa sana sya kung bakit kaso bigla ba namang bumalik sa tayo ang bruha at nginisian lang ako. Humarap na ako kay Aziel na nakatingin lang sakin.

"What now?" saad ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"Wala bang goodluck dyan? Promise gagalingan ko." saad nya sakin at ngumiti pa.

Ay wow naman.

"Kahit hindi kita sabihan ng goodluck, kaya mo na yan captain ka diba?" Saad ko naman sa kanya.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now