36

3 0 0
                                    

:))



Kinabukasan ay nagising ako ng maaga pa, masisilayan ko pa ang sunrise. Tinignan ko ang katabi kong tulog mantika. Bumangon na ako at napansin kong wala sa higaan si Borealis kaya napabalikwas ako sa tayo ko.

Nagising tuloy si Mia sa pagkakatulog nya. Napaupo naman ako ng ayos at nagkusot ng mata.


"Ang aga mo mambulabog Adea." singhal sa akin ni Mia na nakapikit pa rin at tinalikuran ako.


"Hoyy Mia wala si Borealis!" Singhal ko sa kanya habang pilit ko syang pinababangon.


"Naandiyan lang--- ANO?!?" kaagad namang napabalikwas sa tayo nya si Mia at kaagad napabangon.


Tumingin lang sya sa akin at nagkibit balikat lang ako sa kanya. Madali naming inimis ang hinigaan namin ni Mia.

"Ano bang oras na?" Tanong sa akin ni Mia habang pababa kami ng hagdan.

"Mag aalas singko na."

"What the hell? Ang aga pa wala na kaagad si Borealis?" Saad nya at nagmadali na kami bumaba.


Hinanap namin si Borealis dito sa loob. Inikot na namin yung buong hotel pero hindi namin sya nakita. Lumabas na kami at nagdiretso sa beach.


"Asan na ba kasi yon?" Saad ni Mia at nagpalinga linga kaming dalawa.


Hahakbang na sana kaming dalawa pero may biglang humigit samin at kaagad kaming inakbayan. Naamoy ko naman kaagad kung kaninong pabango ito.


"Kayo talagang dalawa, mamaya nyo na chikahin si Borealis." saad ni Drix na nakaakbay din kay Mia.


Tinanggal namin ni Mia ang pagkakaakbay noong dalawa sa amin at hinarap sila. Nagkatinginan kami ni Mia saka nag ngitian at pinilipit ang kamay nila.


"Asan muna si Borealis?" Sabay na tanong namin ni Mia at medyo napatawa pa.


Hindi sumagot yung dalawa na nagtawanan pa. Mas lalo naming pinilipit ang kamay noong dalawa.


"Oo na eto na sasabihin na." saad ni Aziel ng mas pilipitin ko pa ang kamay nya.

"Nasaan?" Diretsong saad ko sa kanila.

"Kasama ni Jaylen." sabay na sabi sa amin ni Drix at Aziel.


Nagkatinginan kaming dalawa ni Mia saka humarap sa dalawa. Kumunot ang noo ko sa sinabi nila.


"What the hell? Bakit nyo pinasama kaagad doon e alaman nyo naman ang nangyari kagabi ah!" saad ni Mia na masama ang tingin sa dalawa.


Aalis na sana kaming dalawa ng harangin na naman nila kami ulit.


"What?!?" Sabay na sabi namin ni Mia.



"Chill lang kasi kayo, hindi yun pababayaan ni Jaylen may tiwala kami." Saad ni Drix at saka inakbayan si Mia. Ganoon na rin ang ginawa ni Aziel at nagsimula na kaming maglakad. Nakacross arms lang ako habang naglalakad.



"Ang aga nyo namang dalawa makichismis." saad ni Aziel na natatawa pa kaya lalo lamang bumusangot ang mukha ko.



"Hindi pa nga kayo naghihilamos e." dugtong ni Drix. Napahawak kami ni Mia sa mukha at tunay nga hindi pa kami naghihilamos.


Hinila kami noong dalawa sa may sink sa likod ng isang kubo dito. Naunang naghilamos si Mia na nasa likuran lamang si Drix na nag-aantay.

"Una na kami cap, baby boss."
"Susunod ha, Kendric at Adea."


UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now