42

5 0 0
                                    

:))



Unti unti na akong nagmulat pero malabo pa rin ang paningin ko. Igagalaw ko na sana ang kaliwang braso ko.

"Aray.." mahinang saad ko at sumabay pa ang sakit sa bandang abdomen ko at sa may likod ko.

"Ate!" Kaagad na lumapit sa akin si Tristan. May tapal ang braso nya at may ilang band aids sya sa pisnge nya.

"Okay ka lang ate? Tatawag ako ng doktor?" Saad nya na hindi magkaintindihan.

"Why should call a doctor e doctor na si ate Adea, siraulo ka talaga Tristan! Hahaha" di ko namalayan na naandito pala si Kristoff.

Nabatukan pa ni Kristoff si Tristan na medyo ikinatawa ko. Tumahimik sila saka tumingin sa akin.

"Ate okay ka lang?"

"Okay lang ako, patulong umupo." saad ko at lumapit naman si Kristoff para tulungan si Tristan na alalayan ako.

"Ate alam mo ang tagal mo matulog." saad naman ni Tristan na umupo sa may paanan ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nyang iyon. Pakiramdam ko ay kakahapon lamang ako natulog at kagigising lamang.

"Ha? Eh kakahapon lang ako natulog hindi ba?" Saad ko sa kanila na takang taka.

Nagkatinginan naman yung dalawa saka bumaling sa akin ang malungkot nilang ngiti.

"Ate halos magiisang buwan na ang nakakaraan mula ng dukutin ka ni Thea." saad ni Kristoff at saka yumuko sa akin.

Hindi pa rin magproseso sa utak ko. Sa halos isang buwan na iyon tulog lang ako?  Sumagi sa isipan ko si Mia at Borealis.


"Teka! Tristan si Mia? Ayos ba sya? Si Borealis ayos ba sila?" Sunod sunod na tanong ko sa dalawa. Nagkatinginan muna sila bago sumagot sa akin.

"Mas nauna magising sayo si ate Borealis noong isang araw pa pero hindi pa rin sya makausap ng ayos. Tapos si ate Mia naman kakahapon nagising." saad sa akin ni Tristan saka umiwas ng tingin.

Hindi ko alam pero nanlabo ang mata ko ng marinig kong hindi pa nakakausap ng ayos si Borealis. Dapat kasi ako lang yon. Dapat ako ang nasa kalagayan nya ngayon.

That should be me, not them. Ako lang dapat. Hindi ko maiwasang hindi sisihin sarili ko dahil nadamay pa sila.

Pinunasan ko kaagad ang mga mata ko saka bumaling ulit sa dalawa. Ako na mismo ang nagtanggal ng dextrose ko at alam kong hindi ko kayang lumakad kaya nagwheelchair ako.


"Ate anong ginagawa mo?!" Kaagad na nataranta ang dalawa.

"Pupuntahan ko lang yung dalawa." saad ko at nagulat ako ng sila na ang nagtulak ng wheel chair ko.

"Ate hihintayin ka namin dito ah? Dyan ang kwarto ni Borealis." saad ni Kristoff sa akin saka tumango ako sa kanila.


Bago ako pumasok ay bumuntong hininga muna ako sa kanila. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero handa ako sa kahit anong mangyari.


Pumasok na ako at nakita ko kaagad ang mommy nya na nakaupo sa bedside. Tumingin sya sakin pero hindi ko kayang salubungin ang mga mata nya. Lumapit ako ng nakayuko sa may bedside at nakita kong tumayo si tita Mich.


"Tita sorry--"

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagulat ako ng yakapin nya ako. Nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.


"Tita sorry, hindi ko po sinasadya please tita." saad ko sa yakap nya sa akin. Hindi ko na maiwasang pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.


UNCOVER RUNAWAY : all except for himOnde histórias criam vida. Descubra agora