19

5 0 0
                                    

:))



I woke up in the morning and I'm glad naman walang hangover.


Lumabas ako at nakita sina Mia na nagluluto dito sa kitchen at si Borealis na nakaupo sa high chair.


"Morning peeps." saad ko at kumuha ng tubig sa ref at tumabi kay Borealis.

"Morning"

"Tara kain na." saad naman ni Mia at naupo na rin.

We prayed then started to eat our food. Kwentuhan kami about our life as a med student. Like tanungan kung ano bang ganap na sa buhay.


"Borealis wala pa bang minor task na ibibigay daddy mo?" Saad ni Mia na kakainom lamang ng tubig.


Napatingin naman kami sa gawi ni Borealis na kakasubo lang ng kinakain. We wait for her to finish what's inside her mouth.


"Merong parating para sating tatlo pero as in minor task lang daw talaga sabi ni daddy since busy daw schedules natin." saad ni Borealis at tinuloy ang pagkain.


Natapos na kami at dumiretso na kami ni Mia dito sa balcony at naupo habang tinignan ang view. Si Borealis naman ay inaantay namin kasi sya ang tokang maghuhugas ng plato.


"Ano na palang ganap sa inyo ni Drix?" Saad ko at bumaling kay Mia.



Saktong dating naman ni Borealis at nagpagpag pa ng kamay sa harap namin. Sinamaan naman namin sya ng tingin.



"Ayun may family lunch mamaya kasama family ni Drix?" Saad nya at umiwas na samin ng tingin.


"Ayos ka ba setup ng daddy mo sayo? Hindi ba nakakasakal naman." napatanong naman kaagad ako sa kanya.



"Kung nagkataon na naandito nga lang si mommy siguro hindi sya papayag, siguro sya ang kakampi ko. Pero iba ngayon wala sya, I just can't say no to daddy kasi sya parin gumagastos para sakin." Saad nya at halata mong hindi talaga sya ayon sa daddy nya.



"So what now Mia? Any plans?" Saad naman ni Borealis.


"I have plans naman. Pagkatapos na pagkatapos ko ng board exam at nakapasa ako I'll make my own money at tutuparin na namin ni Drix pinagusapan namin." Napatingin kami sa kanya ng mabanggit nya si Drix.



"Care to share?" Saad ko at ngumiti sya ng mapait.



"We planned na umatras pareho sa fix marriage nila kapag may sarili na kaming trabaho at kami na gumagastos para sa sarili namin."


Naiintidihan ko si Mia dahil alam kong hindi nya gusto ang fix marriage na yun. Napilitan lang sya para sa kapatid nya. Ayaw nyang nahihirapan ang kapatid nya sa daddy nya kaya sya na ang sumalo.


"Ikaw Borealis, kamusta naman?" Saad ko at tinignan sya at umayos ng upo.
Huminga pa sya ng malalim bago ako sagutin.



"Eto okay naman. Ayos naman sina mommy pati si daddy na inaway ko na kasi muntik pa na hindi satin ibigay ang minor task na dumating." saad nya at napatawa naman kami sa inasta nyang pagirap.



"Kayo ni Jaylen? May label na?" Saad naman ni Mia. Tumawa kami ni Mia ng may lumipad na unan sa mukha nya.



"Bestfriends parin mga ugok!" Saad nya at sinamaan kami ng tingin. Tumawa parin kami ni Mia. May naamoy kasi akong iba sa kilos nila e.


"Don't me Aurora Borealis. Ilan taon ka na naming kasama. Maniwala ako sayong best friends lang." saad ko at tinitigan pa sya bago nakipag-apir kay Mia.


UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now