37

4 0 0
                                    

:))


Nilapitan ko si Aziel para tignan ang kanyang ginagawa. Umupo ako sa tabi nya at nakita ang hawak nya. Halos hampasin ko na sya sa nakita ko.


"Aziel!!! Ano yan?!?" Saad ko ng buksan ko ang kamay nya na puro batong itim.

Napatawa naman ako sa itsura ni Aziel.



"What? Ito diba yung kinukuha mo?" Saad nya sakin na takang taka at nakakunot ang noo.


"Sa tingin mo makakain yang batong itim na pinanguha mo? HAHAHAHA" Saad ko na halos mamatay na sa katatawa at tinignan nya lang ako ng masama.


"Kinakain yun?" Saad ni Aziel at itinuro muli ang lalagyan na pinaglagyan ko ng sihi. Naririnig ko namang tawang tawa na si tita Nevo.


"Malamang ano bang akala mo?" Saad ko sa kanya na natatawa pa.



"Akala ko pang design lang." saad ni Aziel at tuluyan ng  sumabog ang tawa ko. Nakitawa na rin si tita Nevo.


"Hay naku iho, ikaw talaga haha"




Sinamaan naman nya ako ng tingin saka ako inirapan. Arte naman ng lalaking ito. Inihagis nya ang pinanguha nyang itim na bato sa dagat.



"Bwisit Kendric laughtrip ka sa part na yon! HAHAHAHAHA" asar naman ni Mia kay Aziel na masama na ang tingin sa amin na patuloy sa pagtawa.



"Drix pigilan mo yan baka ikaw masuntok ko." saad naman ni Aziel na pikon na rin.




"Labas ako dyan cap hehe" saad naman ni Drix ng tignan sya sa mata ni Mia.




"Hay nako, kayo talaga oo haha, sya kayo ay sumama sa akin ng matikman nyo ang pinanguha nyo." saad sa amin ni tita Nevo na nakatayo na sa harapan namin.




"Tita paano po itong lalaking ito? Pasisipsipin po ba natin ng bato?" tanong ko kay tita Nevo at napatawa na lamang sya.




"Tita!" Sigaw ko na akmang pipitikin na ako sa noo ni Aziel. I let my tongue out ng hindi sya nakapalag ng nasa likod na ako ni tita.




Napatigil kami sa asaran at nagkatinginan kung sasama ba. Tumango na lamang si Mia kaya sumama na kami. Nasa unahan si tita Nevo dahil mas alam nya ang daan.




Habang naglalakad ay hindi pa rin namin tigilan asarin si Aziel na mas ikinapikon pa nya. Kalaunan ay hindi na sya namansin pa sa amin kaya tinigil na rin namin.




"Tulong!" Sigaw ng isang matandang babae kaya napalingon kami kaagad.




Tumakbo naman kaagad kami para tignan kung ano iyon. It was a car crash at may bata at matandang nadamay.


Nagmadali kaagad kaming lapitan ang pasyente.



Nilapitan ko at ni Aziel ang isang matanda na nasa tabi at tingin ko pa lamang ay hindi na maayos ang paghinga nya. Sina Mia at Drix naman ay nilapitan ang isang batang babae na inilabas na kaagad ng nanay nya sa kotse. Habang si Jaylen at Borealis ay nilapitan kaagad ang nanay noong bata na hindi makalakad ng ayos.





"Hi I'm a Dr. Garcia, do you know where you are?" Tanong ko kaagad sa matanda na may katabing dalaga na umiiyak. Tumango lamang sa akin bilang sagot. Chineck ko kaagad ang pulse rate nya.





"Hi miss, I'm a Dr. Castro. Do you mind if you can tell me what happened? Do you know any medical history ni lolo?" Tanong ni Aziel habang ako ay abala sa pagchecheck.




UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now