21

10 0 0
                                    

:))


Maaga ako nagising dahil nga medyo may kalayuan ang school sa bahay namin. I did my morning routine at nagbihis na.

I'm wearing my tucked in navy blue long sleeves paired with my jeans and a pair of white nike sneakers. Nasa locker room naman ang white coat ko.

I bring with me my bucket bag and I make sure na nasa loob ang gamit ko specially my stethoscope and phone. I left my room while putting on my watch.

Bumaba na ako ng hagdan ang I just got a sandwich from the table.

I didn't see mama and daddy on the dining so dumiretso na ako sa may main door.

Napaatras ako ng makita ko kung sinong nasa labas at kausap sina mama at daddy. Dahan dahan akong lumabas and I just kissed my mom and nagmano kay daddy.

"Bye nak, ingat kayo. Aziel si Lynea ah." saad ni mama at pumasok na

"Aziel pinagusapan natin ah. Sige na baka malate pa kayo." napatingin naman bigla ako kay Aziel at tumango lang kay daddy at ngumiti.

Agad akong bumaling kay Aziel habang naglalakad kami palabas ng gate.

"Anong ginagawa mo dito?" Saad ko sa kanya at pinagbuksan nya ako ng gate.

"Goodmorning" he paused and then he opened the car door for me.

Pumasok naman na ako sa loob at umikot sya para makaupo sa seat nya.

"I'm here picking you up." saad nya then he smiled at me and started the engine.

"You really didn't read my messages huh." saad nya as he turn right.

Kumunot ang noo ko at hinanap sa bag ang phone ko.

Hindi ko kasi hobby na magbukas ng phone sa umaga. I immediately opened it and nakita ko nga ang messages nya.

From Aziel:
Good morning
I'll pick you up this morning sabay na tayo
I'm on my way be there 10 mins

Napangiwi ako ng mabasa ko iyon. I heard him chuckled with my reaction.

"Sorry, di lang ako sanay na magbukas ng phone every morning." saad ko at ibinalik na ang phone sa bag.

"It's fine buti nga naabutan pa kita e." saad nya at nakarating naman kami dito sa parking lot.


Mag-aattendance lang kami tapos diretso hospital na.

Hindi ko rin alam kung bakit need pa namin mag-attendace e. Magkahiwalay kami ng Hospital ni Aziel.

Kaming tatlo nina Mia ay sa hospital namin while Aziel and his friends ay sa Yelgi Hospital.


Actually malapit lang naman yun kasi public hospital yun tapos etong amin naman ay private hospital.

"Did you eat?" Saad nya sakin.

"Hmm kumuha lang ako ng sandwich sa bahay, rereview pa ako ng records ng patients e." saad ko naman at tumingin sa kanya.

"Ikaw?"

"Not yet, tara bili muna tayo maaga pa naman." saad nya at pinark ang kotse nya at lumabas.

Pinagbuksan naman nya ako ng pinto.

"Thank you." saad ko at ngumiti lang sya. Di ako sanay na hindi kami nag-aasaran.

"Ano sayo?" Saad nya sakin as we reached the counter. I looked up to see their menu.


"Bangus na lang akin with rice tsaka water." saad ko sa kanya at bibigay na sana ang bayad ko.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now