26

3 0 0
                                    

:))


"Napagplanuhan natin ah, ingat kayo." saad ko sa kanila at kinawayan bago sila makaalis.


Sa kani kanilang bahay muna kami uuwi ngayon. Nagkaroon na kami ng plano na palaging makikiramdam at update palagi sa quarter every end of the week.

Araw-araw na naming dala ang gamit namin sa kotse man o nasa bag o nasa locker. Kapag free time ng kahit na sino ay kailangan magtraining pa rin.



Dito na ako ibinaba ni Aziel sa tapat ng bahay. Niyaya ko sya sa loob pero hindi na raw dahil may dadaanan pa sya.


Hapon na rin naman at kailangan na nyang umalis.

"Good night baby, keep safe." saad nya at hinalikan ako sa noo.


Komportable ako sa ginawa nyang iyon. Halos araw araw syang ganyan sakin e nanliligaw pa lang paano na kapag kami na?


We bid goodbyes na rin at pinaandar na nya ang sasakyan nya.


Nang hindi ko na sya makita ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Tantya kong naandito na sina mama at daddy kaya pumasok na ako.


Hindi ko sila naabutan sa sala kaya dumiretso na muna ako sa kwarto ko. Hindi naman ako napansin ni manang kaya dumiretso na ako at nagsara ng pinto.


Nilapag ko ang gamit ko at dumiretso sa banyo at naghugas na ng katawan.


Suot ko ngayon ay dolphin shorts at plain v-neck gray shirt. Nagsusuklay ako ng buhok ng makarinig ako ng sigawan sa baba kaya nagmadali ako.


Naabutan kong nag-aaway na naman si mama at daddy. Hindi ako kita dito sa may hagdan kaya mas pinili kong makinig sa pag-aaway nila.

"Adeo why you didn't tell me?!! Please bakit mo ginawa iyon?" Saad ni mama na umiiyak. Napaluha ako ng makita ko ang lagay ni mama.

"Para rin satin yun! Hindi ba malinaw sayo?" Saad ni daddy at tumalikod kay mama habang umiiyak.


"Adeo hindi mo alam ang nararamdaman ng katulad ko, please I'm begging iuwi mo na sya." saad ni mama at humawak sa damit ni daddy.


"Please give me time, hindi pa pwede. Ikakapahamak natin lalo na si--" nagulat ako ng lumuhod si mama sa harap nya.

Nanlaki ang mata ko kaya kaagad na akong bumaba para alalayan si mama.


"Ma!" Saad ko at napatakbo sa kinatatayuan nya. Nanlaki ang mata ni daddy at hindi makapaniwalang nasa harapan nila ako ngayon.


"Nak.." kaagad namang tumayo si mama at nagpahid ng luha nya.


"Ma tahan ka na please." Saad ko sa kanya at nginitian naman nya between her sobs.


"Adea kanina ka pa dito?" Saad ni daddy ng makaupo kami sa sofa at inabot ko kay mama ang tubig.


"Kararating ko lang din po." saad ko at tumingin kay daddy na nag-iwas ng tingin sakin.



"Ma ano ba pinag-aawayan nyo this time?" Saad ko ng maipatong ni mama ang baso sa lamesa. Tumingin sya kay daddy ng malungkot.


"Ma, daddy?" Dugtong ko at tumingin sa kanila.


"Wala 'nak may hindi lang kami napagkasunduan ng mama mo. Promise aayusin namin 'to anak ha." saad ni daddy in his soft voice at tumingin kay mama at ngumiti ng mapait.

"Sorry" dugtong pa nya.


Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit.


"Promise me you won't fight again." saad ko between our hugs at tumango naman sila.



UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now