6

10 0 0
                                    

:))


"Naunahan mo pa si Borealis ah hahaha" saad naman ni Mia at pinaghahampas kami ni Borealis.

"Teka nga Evie ayos na ba yang balikat mo?" Napatingin naman ako sa kanila ng tanungin ako ni Borealis.

"Ayos na naman medyo masakit lang e." saad ko at umiwas na ng tingin.

"Nasabi na namin kay coach na hindi ka makakapag training " napabunting hininga naman ako.

"Anong sinabi nyo namang palusot today?" saad ko na natatawa. Pinitik naman ako sa noo ni Borealis.

"Simple lang sabi lang namin na sumabit ka sa sa pako sa may gate nyo dahil sa katangahan mo kagabi." saad ni Mia at hinampas ko naman sila.

"Gagii ginagawa nyo? HAHAHAHAH" saad ko naman at tumawa naman sila.

"Tunay nga haha kaya okay lang na makitang may tapal yan para di ka naman laging nakajacket banas kaya." saad ni Borealis at umaktong nagpaypay pa gamit ang kamay.

"Tara na." tumayo na ako at kumunot ang noo ko ng tinignan lang nila ako.

"Ano na? Arat na." dugtong ko.

"Teh ghorl dapat hindi ka na pumasok pala." saad ni Mia sakin.

Di ko sila maintindihan. Anong dapat hindi na pumasok? Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Walang klase ghorl kasi pinagpre-prepare para sa exhibition game mamaya ng basketball." Saad sakin ni Borealis.

Oo alam kong may exhibition game mamaya pero di naman ako nainform na wala na palang klase e di sana natulog na lang ako sa condo.

Tinanguan ko na lamang ang dalawa at naupo na ulit sa tabi nila. "Sis may gwapo oh, pili na kayo." saad ni Borealis kaya napaangat ang tingin namin.

Binatukan namin si Borealis ng makitang papalapit sina Jaylen samin. Umiwas na lang ako ng tingin kay Aziel ng tignan nya ako.

Ewan, nahihiya siguro ako kasi nakita nya akong umiyak kanina. Naiirita ako sa sarili ko kasi bakit kelangan makita nya pa yon.

"Uy Borealis!" Bati naman kaagad ni Jaylen ng makalapit sila samin.

"Uy Jaylen!" Tinignan naman kami ni Jaylen. Nakita ko ring sumulyap si Mia kay Drix at ng magsalubong ang mata nila ay sabay silang nag-iwas. Anong meron sa dalawang 'to.

"Uy manunuod ba kayo mamaya ng basketball?" Tanong naman ni Jaylen.

"Yes naman!" Sabay na sabi ni Mia at Borealis. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha ni Drix at Jaylen.

Tumingin sila sakin at nagtaas naman ako ng kamay. Alam na nila Mia ibig sabihin nun kaya napabuntong hininga sila ng bahagya.

"Pass ako." saad ko at tinignan sila. Kumunot naman ang noo ni Aziel.

"Ahm ano kasi e hindi kasi sya nanunuod ng basketball game e. Kung manuod man sya siguro hanggang 2nd quarter lang." saad naman ni Borealis kay Jaylen.

"Ahh ganun ba?" Saad naman ni Jaylen.

"Evieee sigee naaaa samahan mo na kami para payagan kami." saad naman ni Borealis na nagmamakaawa sakin.

Tinignan ko lang sya at ngumuso pa sakin at bruha. Tinignan ko naman si Mia na nakanguso rin sakin.

Hindi kasi sila pinapayagan nina tito at tita na manuod ng hindi ako kasama e.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now