14

11 0 0
                                    

:))


Nagising ako dahil sa sinag ng araw. I checked the time at mag aalas syete na may laro ang vb boys namin ng 10am at kasunod ang basketball.

Hindi ko alam kung manunuod ba kami ng game ng vb boys or sa game na lang ng basketball.

Bumangon ako at napansing wala na akong katabi. Wala na sina Mia at Borealis. Dumiretso ako ng bathroom at ginawa ang nakasanayan ko kapag umaga.

"Ah!" napatingin naman ako sa labi ko sa salamin ng masanggi ko ito habang nagtotoothbrush. Dinahan dahan ko na lang kasi masakit talaga sya.

Bumaba ako ng room dahil nagtext sakin si Mia na nasa cafe na daw sila at iniintay ako dahil sabay sabay daw kakain ang magkakateam.

Pagkarating ko sa baba ay dumiretso na kaagad ako at pumasok. Halos nakatingin sakin lahat. Pagdating ko sa table ay napatingin sakin sina Mia at Borealis.

Umupo na ako at napagtantong kami pala at ang basketball boys ang magkasama sa table na iniayos at pinagdikit. Napatingin ako kay Coach Tin at sinusuri nya ako, nahiya ako don ng onti.

"Nak, Adalyn anong nangyari sa labi mo?" Saad naman ni tito Neil at napatigil ako sa ginagawa ko. Napatingin sakin iba kong teammates at nagiwas na rin pero nanatili ang tingin sakin nina Mia at Borealis.

Umangat ako ng tingin at nakatingin din sakin si Coach pati na sina Jaylen.

"Hindi ka naman namukha kahapon Adalyn ah, bakit ka may ganyan? Napaano yan?" Tanong naman ni Coach Tin na lalong nagpakaba sakin.

Hindi ko alam ang ipapalusot ko this time. Lumapag ang gawi ko kay Aziel na umiling at bumalik na sa kinakalikot nyang phone nya.


"Ahh, ano kase tito, coach, yang natangkab po kasi ako sa table e tapos nakagat ko po accidentally e." saad ko and I felt like they buy my alibi naman at hindi na nagtanong pa ulit.


"Tsk." narinig ko pa ang pagtaltak ni Aziel. Nakita ko ring medyo napatawa sina Drix at Jaylen sa palusot ko. Tinignan naman ako nina Mia at Borealis na nakangisi at tumawa ng nang-aasar.

Natapos na magbreakfast and naglalakadlakad kami dito sa plaza kahit mainit pa.

Nakikita naming may mga nagjojogging rin dito na players. Siguro ay sila ang may laro mamaya.

Nakita ko naman sa 'di kalayuan sina John Mark at Ariel na nagjojogging na rin. Kumaway ako sa kanila at lumapit sila samin.

"Uy sis goodluck mamaya." saad ko at nakipag high five kay Ariel at John Mark.

Ganoon rin ginawa nina Mia at Borealis habang yung tatlong sungot na kasunod namin at tinignan lang ginawa namin.

"Salamat sis!" Saad ni John Mark at ngumiti pa samin.

"Hoy Lynea nuod ka mamaya ha? Cheer mo naman ang babe mo." saad ni Ariel at hinila pa ako.

Narinig ko ang tawa nina Mia, Borealis at John Mark. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Ariel. So sumabay ako sa trip nya.

"Oo naman babe, cheer pa kita e. Basta galingan mo later!" Saad ko at diniinan pa yung 'babe'.

"Ay babe pala cap"
"Ayon sana ol babe cap"

Saad naman ng dalawa na ginatungan pa nina Mia at Borealis. Hindi ko alam merong sa mga ito.

"Tss, babe." bulong ni Aziel at rinig namin yun at nagwalk out sya. Umuna sya maglakad samin at sinundan sya nung dalawa.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now