15

15 0 0
                                    

:))



"Ay palaka!" Napasigaw ako ng bigla kong nakita si Aziel. Kinabahan ako hindi ko alam kung bakit.

"Harsh naman, gwapo ko naman masyado para maging palaka." saad nya at sumandal pa sa pader at nagpose pa.

Hangin ah.

"Tss. Mukha ka talagang ganon." saad ko at inirapan sya. He chuckled a bit then he looked at me pati sa hawak ko.

Umalis na ako sa harapan nya kasi kung ano ano na pumapasok sa utak ko gawa nina Mia at Borealis.

'Bwisit' bulong ko at naglakad na sa hallway.

"Oy teka baby, este Adea!" Sigaw nya sa hallway kaya napalingon kaagad ako.

"Ano na naman?" Saad ko pagkalingon ko sa kanya.

"Intay may kukunin lang ako." saad nya kaya napairap na naman ako at napasighal.

"Sunod ka na lang sa garden, pa vip 'to." saad ko at umalis na. Rinig ko pang napasinghal sya. Kaya napatawa ako ng konti.


Pagdating ko sa garden ay umupo ako sa may bench na overlooking yung mga naliligo sa pool na guest siguro rito.

Sinimulan ko nang kainin ang ice cream ko at kung ano na naman iniisip ko.

What if meron nga?

Bakit ganun yung inakto nya kanina?

Anong meron?

Bakit sya ganun?

Bakit kung ano ano sinasabi sakin nina Mia at Borealis.

Napairap ako sa mga iniisip ko kaya natusok ko ng kutsara yung ice cream ko.

"Ay kalabaw!" Napasigaw na naman ako ng biglang tumabi sakin si Aziel na nakangisi pa. May nakatago pa sa likod nya.

"Kanina palaka tapos ngayon kalabaw harsh mo talaga sakin, e kagwapo ko naman masyado para don." Sabi pa nya na nakangisi pa sakin at nagpapagwapo pa.

"Tss tigilan mo nga yan! Cringe!" Saad ko at inihara ang ice cream ko sa harapan nya.

Kinuha nya yung ice cream sa kamay ko at inilapag. I was stiffened when suddenly he cupped my face tapos pinupunasan nya ng towel na may ice cubes.

Napatitig ako sa mukha nya. "Pogi ba?" Imik naman nya kaya napakurap ako at sinamaan sya ng tingin.

"Feeling ka--" "aray" saad ko ng bigla nyang ilapat sa labi ko yung towel na may ice.

"Chill wala pa." napairap ako ng tignan nya ako.


"Ako na nga." singhal ko at inagaw sa kanya ang towel pero ayaw nya ibigay sakin. Sinamaan nya lang ako ng tingin at itinuloy ang ginagawa nya.


"Oh hawakan mo." saad nya at pinahawak yung towel. Kinuha ko naman agad ito at sinamaan sya ng tingin.

"Penge ako ah." saad nya at kinuha ang ice cream na nakapatong sa tabi.


"Oo nga e, prepared ka nga e may dala ka pa kutsara. Bwisit ka!" Saad ko at sinamaan sya ng tingin.

Nginisian nya lang naman ako at kinain na yung ice cream. Wala na akong magawa sa inasta nya.

Nilapag ko na yung towel ng matunaw na yung ice cubes na nasa loob. Tinignan ko sya na parang sinusuri.

"Hoy kanina ka pang tumititig ha. Kotang kota ka na sa kagwapuhan ko." Saad nya at nginisian pa ako.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now