45

1 0 0
                                    

:))

Kinabukasan ay maaga na muli akong nagising, buti na lamang ay madali akong nakapag adjust ng body clock.

Minsan nagigising ako ng alanganin, mga alas tres ng umaga nagigising ako pero pinipilit ko ulit matulog.

I did my morning routine, nakapagbihis na ako at sakbit ko na ang bag ko sa kanan ko habang hawak ng kaliwa ko ang phone ko saka ang painting na ginawa ko.

I make sure na nasa bag ko ang adress at notebook ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at naabutan ko naman yung dalawa na bihis na bihis na.

Nakacoat na rin si Mia na nagmamadali. Habang si Celeste ay nakaupo pa rin na nahigop sa kape nya, pinagmamasdan nya lang si Mia na mataranta.

“Bye! See you!” sigaw ni Mia and she stormed out of our unit.


Umupo ako sa tabi ni Celeste at uminom na rin ng nakahandang kape.

Tumingin lang sakin si Celeste at nanlaki ang mata nya ng makita ang painting na hawak ko.

Kaagad nyang ibinaba ang baso nya at kinuha sa kamay ko ang hawak kong painting.

“Para kanino 'to? Ang ganda Evie, pwede pagbenta.” saad ni Celeste na tinitignan maigi ang painting.

“Patient Levario.” sambit nya ng mabasa nya ang nakadikit sa likod na larawan at pangalan. Tinignan nya ako ng nagtataka at saka ibinaling muli sa painting ang tingin.

“She’s a patient during my internship.” saad ko sa kanya saka sumandal sa upuan.

“Speaking of Mia, what’s with her? Tarantang taranta ah?” saad ko sa kanya at napalingon naman sya sakin saka ibinalik ang painting. Sumandal din sya sa upuan at saka humigop sa kape nya.


“Ayon, something happened sa isang resident. Pinagsurgery ba naman ng chief doctor at ang katwiran ay busy daw. Imagine sis bata yung ooperahan mo in your residency pa naman.” saad ni Celeste na nakatingin pa rin sa harapan na hindi ako tinitignan.


Halos maibuga ko na ang iniinom kong kape ng marinig ko ito sa kanya. Napatayo ako sa kinatatayuan ko at tinignan nya lang ako saka nagkibit balikat.

“What?!?!”

“Napag usapan na ng board kasama daddy mo syempre and they suspended the resident and the chief doctor was sent to the hospital branch sa province. They also said na their will automatically fired them if ever anything happens to the child.” Saad ni Celeste at napahinga naman ako ng malalim. I checked my phone at naalalang may pupuntahan pa nga pala kami.

We heard a knock on the door so assumed na it was JA na. Nagpaalam na ako kay Celeste na mauuna na ako sa kanya kasi may pupuntahan pa nga.

“I’ll go ahead Celeste.” Saad ko then we bid goodbyes na.

Wala pa akong balita sa kotse ko kaya hindi ko alam kung anong gagamitin namin, siguro ay commute na lang.

Kaya ko nga isinama si JA e para may kasama ako magcommute. Akala ko naman si JA na yung kumatok, hindi pala.

“Pasok ka Jaylen, Celeste may bisita ka!!” sigaw ko naman saka pinapasok na si Jaylen na nagfistbump lang sakin.

Dumiretso ako sa unit ni JA at saka kumatok ng ilang beses. Maya maya ay nagbukas na ang pintuan at kumunot ang noo ko ng tumambad sa akin ang kagigising na Tristan.

“Si JA?” kaagad na tanong ko kay Tristan na sumandal sa pintuan na antok na antok pa.

“Maaga umalis ate, kukuhanin ata sasakyan nya.” saad sa akin ni Tristan na may paghikab pang nalalaman sa harapan ko.

UNCOVER RUNAWAY : all except for himWhere stories live. Discover now