Kabanata 1

1.4K 29 3
                                    

White T-shirt


"Payag ka na!"

Matalim ko siyang tinignan. "Ayoko nga, ang daming tao don! Paniguradong iinsultuhin lang din nila ako. Wala bang yung pribadong trabaho?"

Pinagpatuloy ko ang paghiwa ng sibuyas. Pakiramdam ko kunti na lang mauubos na ang luha ko. Pisting sibuyas 'to. Ang kapal ng mukhang paiyakin ako.

"What? Private work? Artista ka ba? Anak ng presidente? Arte nito! Saka sis, dagdag income 'to. Kaysa sa pagluluto luto mo. Don't stick with that job. Hindi ka aansenso d'yan. Kung lalabas ka at makikihalubilo sa maraming tao. Baka may maginvite pa sa'yo na mag artista o kahit model. Maganda ka at sexy. Kaya pumayag ka na."

"Alam mo naman yung nangyari last year, hiyang hiya ako non." Tumayo ako at lumapit sa lababo. Hinagusan ko ang mga gulay. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.

"Nakamove on na sila girl, try to move on too."

I faced her. "Bakit kasi sa dami ng tanong ayon pa yung nabigay sa'kin, about sa lovelife Anong alam ko don? Ang alam ko lang mahal ako ni Mama at pati ikaw. And worst natapilok ako ng 7 inches heels na 'yon. They expected me a lot. Kasi anak ako ni Flora. That's why they expect me to win. They expect me to answer the question in a smooth way. But i failed! I broke their expectation and it's so embarrassing!"

"Magkaiba naman kayo ni Tita. Kung siya nananalo nung kabataan niya. Iba ka naman. Baka hindi 'yon ang para sa'yo. Huwag mo isipin na dapat sumunod ka sa yapak ng nanay mo."

I sighed. Bakit ko nga ba masyadong dinadamdam ito? Dahil ba ni minsan sa buhay ko hindi ako nakatanggap ng pagkatalo? Siguro dapat matuto na ako. I think it's a lesson for me. Masyado ako naging isip bata sa buong taon. Nasayang yung isang taon dahil lang sa kagagahan ko.

E'di sana may matino na akong trabaho. Kakagraduate ko lang last year at buong taon nasa loob lang ako ng bahay. Nagtitinda ng kung ano anong pagkain.

While my mother busy in her own work. My mother is getting old but she still working dapat nasa loob na lang siya ng bahay.

Mahina kong pinukpok ang ulo ko. Mabilis namang pinigilan 'yon ni Talia.

"So Florencia, are you in? Let's go to manila!"

Umiling ako. Kinuha ko na ang mga gulay. Nagsimula na akong mag gisa. My buyers suggested sinigang for this day.

"Hindi ko iiwan si Mama dito. Sino magbabantay sakaniya? Si Owen? Ayoko. Kahit naman anak anakan ni Mama 'yon. Ayokong siya ang magbantay kay Mama. May sarili ding magulang 'yon. Baka hindi niya rin mabantayan ng maayos si Mama."

Napatango tango siya. Hinayaan ko muna ang niluluto ko at umupo kami sa upuan.

Nginatngat niya ulit ang dragon seed na kanina niya pa nginangatngat.

"So, may offer ulit ako!"

Tinaasan ko siya ng kilay habang abala naman ako sa pag susulat ng mga may utang sa'kin.

"You know, may upcoming campaign this week. Alam mo naman na friend ko ang Mayor natin. Nangangailangan siya ng ilang tauhan. 1 month lang naman 'to. Saka 10k yung sahod. Dagdag income rin 'yon. If you want lang naman." She sipped her coffee.

"Kailan?"

Pwede rin naman. Wala naman akong trabaho ngayon at minimum lang kinikita ko sa pagtitinda ng pagkain. Minsan nga halos walang um-order kasi ang iba kumakain na lang sa past food chain. Saka bakasyon naman wala namang masyadong gagawin. At hindi ko pa alam kung anong trabahong papasukin ko. Kaya magpa-part time job muna ako this month or kahit next month.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now