Kabanata 5

285 11 0
                                    


Found


"O, Ma, aalis ka na?" Tanong ko agad nang makalabas ako sa kwarto.

Hinarap niya ako na abalang inaayos ang buhok niya. "May mga kailangan i-trabaho, nak e. Saka may parating na malaking pagdiriwang sa lunes. May mga mayayamang nagpatahi kaya maaga ako papasok. Ayoko naman mag over time dahil ayaw mo." Nakangiti niyang sabi.

Pinagmasdan ko si Mama. Tumatanda na siya. Dapat talaga maghanap na ako ng i-ta-trabaho ko. Kapag natapos ang eleksyon maghahanap agad ako nang pwede kong pasukang trabaho.

Magpaplano na rin akong pumunta sa manila. Sana available pa ang offer sa'kin ni Talia. Magiipon muna ako saka ako luluwas ng Manila.

"Kumain ka na ba, Ma?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad papuntang kusina.

Tumingin ako ng pagkain sa lamesa at napansin ang pancake na gawa ni Mama.

"Oo anak, nagluto rin ako ng paborito mong pancake. Kumain ka na d'yan ha. Aalis na ako." Pagpapaalam niya.

Lumapit naman ako sakaniya at hinalikan siya sa pisngi. Hinatid ko siya palabas ng bahay.

"Magiingat ka po Ma." Nakangiti kong sabi.

Tinaguan niya na lang ako bilang sagot at saka umalis. Bumalik ako sa loob ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang cellphone.

Dumiretso naman ako sa kusina para kumain. Nagsimula na akong magtimpla ng hot choco. Mas gugustuhin ko pang uminom ng choco kaysa sa kape.

Maliit kong kinagatan ang pancake na hawak. Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa lamesa nang bigla itong umilaw.

Kinuha ko 'yon. "Sino kayang nagtext?"

From: Samuel

Goodmorning, crush. I'm done eating my breakfast. How 'bout u?

Napanguso ako. Anong trip niya? At crush na talaga ang tawag niya sa'kin? Pinanidigan niya talaga. Napangiti ako at agad na nagtipa para reply-an siya.

To: Samuel

Goodmorning din. Kumakain pa lang ako. Magtrabaho ka na lang muna d'yan. See u mamaya. :)

Agad ring nagreply si Samuel matapos kong i-send 'yon.

From: Samuel

Alright. See u later crush ;)

Napailing iling ako. Seryoso talaga siya na crush niya ako. Akala ko gino-good time niya lang ako.

Knowing him. Wala siyang oras para magkacrush pa sa dami ng ginagawa niya sa munisipyo. Then suddenly, bigla siyang nagconfess sa'kin.

Hindi na lang ako nagreply. Tinapos ko na lang ang kinakain ko. Nang matapos agad ko naman 'yong hinugasan.

Lumabas ako sa kusina. Pinalibot ko ang tingin sa sala. Lumapit ako sa divider namin at pinalandas ko ang daliri ko doon.

"Ang dumi dumi mo na. Kailangan mo ng linisan." Sabi ko sa divider na tila maririnig niya ang sinabi ko. I patted the side of the divider. I walked towards to broom.

I picked it up and started sweeping the floor. When i'm done to the floor and i satisfied, i immediately took a wet rag and started wiping the divider.

Pinunasan ko na rin ang kahit anong mang may alikabok. Nang matapos ako magpunas sa paligid.

I mopped on the floor while i'm singing. Ginawa ko pang microphone ang dulo ng mop.

"Akala ko ikaw ay akin, naglalaho sa aking paningin at nang ikaw ay yakapin naglalaho sa dilim." Pagkanta ko.

When i'm done mopping the floor. I fixed the messed in sofa. I adjusted the pillowcase. When i'm satisfied to what i'm done i decided to go into my mom's room to clean the mess over there.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora