Kabanata 20

204 7 0
                                    


Resort


"Si Lucas ba ang naghatid sa akin?"

Nagising na lang kasi ako ay nasa kama na ako kaya I wonder kung sino ang naghatid. At ang unang taong pumasok sa isip ko ay si Lucas since siya naman talaga ang naghahatid sa akin sa bahay everytime na lasing na lasing na ako.

Tumigil siya sa pagstretch at tumabi sa akin. Nandito kami ngayon sa park para dito na lang mag-jog since malawak naman 'to. Wala ring gaanong tao dahil maaga pa. Pero halos lahat ng nandito ay puro mga nag-ja-jog din katulad namin. Yung iba pa ay may dalang aso.

Naisip ko rin na magalaga ng aso pero sa lagi akong nasa Manila since nandon talaga ang work ko hindi ko rin sila maaalagaan.

Pero pwede naman na sa condo ko sila. Maaga naman akong umuuwi galing work.

Sa WindLand Corp ako nagtatrabaho. Kaibigan ni Lucas yung President doon. Kaya nakapagapply ako. Maganda naman yung feedback ko kaya nakapasok.

Anong klaseng dog kaya ang bibilhin ko?

"You don't remember?"

Tumungga ako sa tumbler na dala ko. Kalahating oras na kami dito sa park. Hindi pa ako satisfied sa pawis na lumalabas sa katawan ko.

"I don't. Si Lucas ba? Or Echo?"

"Si Samuel."

Naibuga ko ang tubig na iniinom. Mahina akong naubo. Natawa naman si Leah.

Masama ko siyang tinignan. "Totoo ba?"

"Oo nga! Sabi mo pa nga. Si Samuel ang gusto kong maghatid sa akin." Ginaya niya pa ang boses ko.

Nanlaki ang mata ko at napanganga ako. "Did I really say that?"

Tumawa siya. "I'm just kidding. Hindi ko alam na ganon ang epekto niya sa'yo. Hindi ko rin alam na magkakilala kayo."

Hindi mo talaga ang alam kung ano ang epekto niya sa akin.

"You're annoying."

"You're annoying." She mimicked.

Tinarayan ko siya. "Whatever girl. But sino nga ang naghatid sa akin?"

"Of course, Me! Duh!? Sino ba ang kasama mo sa bahay mo. Diba ako?"

"Bakit ba ayaw mong magpagawa ng bahay dito?"

Napabusangot siya. "Sino naman ang titira kung ganon?"

"Your father and your... step mom."

She sticked her tounge on her cheeks. "Hindi pwede 'yon. May sarili naman silang bahay. Saka mamaya abusuhin pa ako. Abusada pa naman 'yong babaeng 'yon." Natawa siya.

Galit na galit siya sa tatay nito dahil pinagpalit sila sa pinsan ng mama niya na mukhang kuko ng daga sabi niya. Matagal na rin silang hindi naguusap ng papa niya. Since he left her. Namatay ang Mama niya dahil inatake sa puso. May kapatid naman ito. Pero nasa ibang bansa at may sarili ng pamilya.

"Then katulong?"

"No way! Alam mong may trust issues ako sa katulong."

Natawa naman ako. Naalala ko nang magkaroon siya ng katulong sa condo niya ay paguwi niya sa bahay niya ubos na ang gamit niya ay 'yon pala ay pinaghahahatak ng mga taong inutangan niya. Kung sinabi lang nung katulong na may utang siya edi sana si Leah na ang nagbayad. Mabait pa naman yung girl kaso may pagkaganon pala.

Imbis na damayan ko siya sa kalungkutan niya dahil sa mga nawalang gamit niya natawa pa ako. Biruin mo para lang naglilipat ng bahay. Kulang kulang na yung mga gamit. Buti nga hindi nila dinala yung sofa. Siguro nabigatan.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Where stories live. Discover now